Puwede nang magpa-booster shots ang mga turista habang nagbabakasyon sa Boracay.

Ito ang inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat kasabay ng paglulunsad nito ng "Resbakuna sa Botika," ang walk-in vaccination program ng gobyerno sa Malay, Aklan nitong Pebrero 11.

Pinayuhan nito ang mga turista na nais magpa-booster na magtungo lamang sa mga accredited Boracay pharmacy upang maisagawa ito.

Inilunsad ng DOTang programa para sa 5-11 age group upang matiyak na protektado ang lahat ng bumibisitang turista sa isla laban sa coronavirus disease 2019.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

“The Resbakuna sa Botika Program will provide an added layer of protection to the island’s domestic visitors. This will impact on the tourism industry and all the Filipinos whose livelihoods depend on tourism,” ayon kay Romulo-Puyat.

Mataas aniya ang vaccination rate sa isla dahil mahigit sa 100 porsyento ng mga manggagawa ang bakunado na laban sa virus.

Boracay’s COVID-19 vaccination rate is very high. More than a 100-percent of Boracay’s tourism workers are already fully vaccinated against COVID-19 while more than 15-percent have received their booster shots.

Tara Yap