Kinaaliwan ng mga netizen ang tweet ng Kapamilya actor at dating miyembro ng Hashtags na si Nikko Natividad, kung saan, inamin niyang magkaiba sila ng bet ng misis na si Cielo pagdating sa mga ibobotong pinuno sa eleksyon 2022, subalit kahit na ganito ay hindi naman 'outside de kulambo' ang aktor.

"Magkaiba kami ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayari pa rin sa amin gabi-gabi," pahayag ni Nikko na kilalang 'pilyo' sa kaniyang mga banat sa social media.

Screengrab mula sa Twitter /Nikko Natividad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Lib*g na lib*g pa rin kami sa isa't isa!! Ganyan dapat ang mentality natin."

Ibinahagi niya ang screengrab nito sa kaniyang Instagram account. Aniya sa caption, "Respeto sa isa't isa pls. Stop fighting mga mahal kong Pilipino❤️."

Screengrab mula sa IG/Nikko Natividad

Nag-react naman dito ang mga sikat na celebrity gaya nina Ronnie Alonte, DJ Chacha, singer na si Daryl Ong, at komedyanteng si Jerald Napoles.

Tila sumang-ayon naman ang mga netizen sa kaniyang sinabi.

"Indeed! Dahan-dahan tayo sa pag-aaway dahil sa mga politiko na 'yan. After this election, we will all be going back to our daily lives. Kakayod pa rin tayong mag-isa para mabuhay at hindi tayo papakialaman ng mga politikong 'yan."

"Kahit nakakatawa yung post niya my point at meaning pa rin."

"Haha agree ganyan talaga dapat mentality! ?"

"Yan ang maganda kahit magkaiba ng gusto may point pa rin na nagkakaisa hehehehehe… Nice one Nic."

Ikinasal si Nikko Natividad sa kaniyang partner na si Cielo Eusebio noong Nobyembre 3, 2021 sa Nasugbu, Batangas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/03/hashtags-member-nikko-natividad-at-partner-na-si-cielo-ikinasal-na/

Dumalo sa kasal ang mga kapwa Hashtags members na sina Zeus Collins, Ronnie Alonte, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Kid Yambao at McCoy de Leon na kamakailan lamang ay umamin na isang tatay na, sa anak nila ng girlfriend na si Elisse Joson.

Kamakailan lamang ay binasag ni Nikko ang isang basher na tumawag sa kaniyang 'call boy'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/nikko-natividad-tinawag-na-kolboy-hindi-ko-po-kayo-naging-customer/