Naging instant multi-millionaire ang isang magsasaka na taga-Bicol matapos matamaan ang mahigit sa₱142 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto nitong nakaraang buwan.
Aminado ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi nila akalain na mahuhulaan ng nasabing magsasaka na taga-Albay ang winning combination na 02-05-04-31-01-46 na may katumbas na premyong ₱142,679,606.40 noong Enero 16.
Nabili umano ng magsasaka ang kanyang ticket sa isang lotto outlet sa Abuyog, Albay.
Idinagdag pa ng PCSO na inamin sa kanila ng nag-iisang nanalo na 15 taon na siyang tumataya bago ito manalo.