Mukhang in good terms naman ang mga momshie hosts ng 'Magandang Buhay' na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal matapos mag-'I love you' sa isa't isa, sa latest Instagram post ni Momshie Jolens.

Ibinahagi kasi ni Jolina ang kaniyang art card kung saan mababasa ang dahilan kung bakit niya iboboto ang kaniyang presidential bet na si Vice President Leni Robredo.

"Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat, magiging maganda ang kinabukasan ng ating mga anak at nating lahat," pahayag ni Jolens na isang certified Kakampink.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screengrab mula sa IG/Jolina magdangal

Bukod kay Momshie Melai Cantiveros na nag-react ng apat na heart emojis sa comment section, nagbigay rin ng komento rito si Momshie Karla, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media matapos magbigay ng performance sa naganap na UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022.

"I love you Momshie Jols!!! Go go go!!! ????" komento ni Karla.

Agad namang tumugon dito si Momshie Jolina, "I love you too Momshie Kars and I mishu!!!"

Screengrab mula sa IG/Jolina Magdangal

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Dapat ganito lang no hates just love mga momshies!"

"Ganito dapat, walang unfollowan, at the end of the day magkakaibigan pa rin kayo, wag sana hayaang masira dahil lang iba ang sinusuportahan. ? Goodluck on your campaign journey Momshie Karla."

"Sana katulad ninyo ang lahat ng tao, nirerespeto ang desisyon ng kaibigan."

Si Karla Estrada ay kasalukuyang on-leave sa Magandang Buhay dahil sa kaniyang pagtakbo nilang third nominee ng 'Tingog' party-list. Pansamantala ay humalili sa kaniya bilang momshie host si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.