Hindi napigilan ang import ng Meralco Bolts na si Tony Bishop nangpamunuan nito ang koponan sa pagpulbossa NLEX Road Warriors, 110-100 sa muling pagbubukas ng PBA Governor's Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Kumana si Bishop 32 puntos, 13 rebounds at 8 assists upang maibulsang Bolts ang ikatlong panalo.

Sa unang bugso pa lang ng salpukan, kumamada na si Bishop ng 14 puntos. Tumulong din kay Bishop sinaAaron Black at Chris Newsome sa naipong19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag din ng 11 puntos si Cliff Hodge, bukod pa ang kanyang 12 na rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasayang naman ang 41 na puntos ng import na si KJ McDaniels dahil hindi nito naipanalo ang Road Warriors na may rekord na 4-2 panalo at talo.