Aliw ang hatid sa netizens ang video na kung saan ay ipinagtitimpla ni Herlene Budol o "Hipon Girl" ng gin at juice ang South Korean host na si Ryan Bang.

Sa vlog na inilabas ni Herlene, isang nakakaaliw na bonding moments ang itinampok niya kasama si Ryan. Bago pa nito puntahan ang host, dumaan muna ito sa isang tindahan upang bumili ng kakailanganin nila para sa kanilang vlog — gin, powdered juice, lighter, at mga chichirya — na tinawag ni Herlene na "tambay starter pack."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa kanilang vlog, ibinida ni Ryan ang mga tipikal na alak sa South Korea tulad ng soju at beer na kapag pinagsama ay tinatawag na "somaek."

Dagdag pa ni Ryan, hindi ito umiinom ng alak dahil mabilis ito malasing kaya naman tinanong niya si Herlene kung anong mangyayari sa kanya kung malasing ito.

Sagot naman ni Herlene, "Ihahatid kita, door-to-door."

Sinimulan nang sindihan ni Harlene ang alak gamit ang lighter na siya namang ikinagulat ni Ryan. Nagpaalala naman si Harlene na kinakailangan ng patnubay ng magulang ang paggamit ng lighter dahil hindi ito gawaing pambata.

"Dapat kapag nakikipag-cheers, eye to eye," pagpapakilig ng dalawa sa netizens.

Samantala, nasarapan naman si Ryan sa tinimplang gin si Herlene. Aniya, "Ang sarap. Sobrang sarap, madaling lunukin."

Lumagpas na ng 600K views ang video na napuno rin ng positibong comments mula sa netizens.