Matapos maging trending sa Twitter dahil sa pagdalo niya sa UniTeam proclamation rally sa Philippine Arena noong Pebrero 8, 2022, nagpaliwanag naman ang nominadong kinatawan ng 'Tingog' party-list na si Karla Estrada hinggil sa kanilang political stand sa pamilya.

Rappler on Twitter:
Karla Estrada (Screengrab mula sa FB/Manila Bulletin)

Iginiit ni Karla sa kaniyang Instagram account na iginagalang niya ang magkakaibang pananaw ng kaniyang mga kapamilya pagdating sa politika. Kalakip nito ang isang quote card na nagpapakita ng kaniyang pahayag hinggil dito, mula sa ABS-CBN News.

Tsika at Intriga

Carla proud aspin lover, may banat sa establishments na 'pet-friendly' kuno

"In our Family, we always practice to respect each one's opinion, and specially political views. Sinisiguro ko na sa aming tahanan pa lang ay buhay na ang mga karapatan ng aming mga boses at pananaw."

"At ang respeto ng mga anak ko, buong pamilya ko at mga taong bukas ang isip, malawak ang pag-intindi, ang tanging importante sa buhay ko. #iisanglayuninMAKATULONG," aniya.

Screengrab mula sa IG/Karla Estrada

Nakasarado naman ang comment section ng naturang IG post.

Matatandaang umani ng kritisismo si Karla nang i-anunsyo niya ang pagtakbo sa partidong Tingog, na ang tumatayong pinuno ay si Rep. Yedda Marie K. Romualdez, na isa umano sa mga bumotong 'No' sa franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/08/karla-estrada-naghain-ng-coc-bilang-third-nominee-ng-tingog-partylist/

“Hindi ito naging madaling desisyon para sa akin at para sa aking pamilya. Pero dahil nandyan kayo at ang buong Tingog party List, panatag po ako na kakayanin ko,” aniya.

Naging trending sa Twitter ang #WithdrawKarlaEstrada kasunod ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) ng aktres at host sa kaniyang partido.

Kabilang sa mga bumatikos sa paghahain ni Karla ang mga tagahanga ng power couple, tambalan, at ABS-CBN homegrown loveteam na 'KathNiel' na kinabibilangan ng kaniyang anak na si Daniel Padilla.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/08/kathniel-fans-nagalit-sa-nominasyon-ni-queen-mother-sa-tingog-pl-withdrawkarlaestrada-trending/

At kamakailan lamang, pinag-usapan ang pagkakaiba sa sinusuportahang mga 'manok' sina Karla at ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo, na isang certified Kakampink.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/08/kathniel-mommies-isang-bbm-isang-leni/