Sinong mag-aakala na ang isang beauty queen noon ay sundalo na ngayon? 

Ibinahagi ng Philippine Army ang kuwento ni 2nd Lt. Mary Nicole Gee na dating beauty queen at ngayon ay sundalo na.

Photo courtesy: Mary Nicole Gee (Facebook fan page)

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Bata pa lamang siya nang magsimula ang modeling, pageantry, at acting career niya. Walong buwan pa lamang siya noong nang maging modelo siya ng isang baby powder brand at noong nagdadalaga ay naging freelance talent siya ng mga bigating tv network. 

Photo courtesy: Mary Nicole Gee (Facebook fan page)

Taong 2018 sa edad na 18-anyos nang makoronahan si 2nd Lt. Gee bilang Bb. Catandugan. Pinagsabay rin niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang model at talent sa mga TV shows at commercial, pageantry competitions para makatulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nagkaroon ng interes sa national security si 2nd Lt. Gee noong siya'y third year college kaya't ninais niyang magtrabaho sa security sector ng bansa. At dito na rin niya pinangarap na magtrabaho sa Philippine Army. 

Photo courtesy: Mary Nicole Gee (Mnm Gee/FB)

Kahit hindi pabor ang mga magulang, tinuloy ni 2nd Lt. gee ang kanyang pangarap na makasali sa Philippine Army. Inamin niyang mahirap ang pinagdaanan niya mula sa nakakapagod na application process, matinding training, at pagiging malayo sa kanyang mahal sa buhay.

Gayunman, nagbunga na ang pinaghirapan ng dating beauty queen. Nagsisilbi na siya bilang Intel Platoon Leader, S2 Section of the 82nd Infantry Battalion, 3rd Infantry Division sa Cebu. 

“In becoming a soldier, you will have to face your fears and do things beyond your limit. It is then that you need to think less of yourself and more of the service for our country, ” ani 2nd Lt. Gee na ibinahagi ng Philippine Army.

“If you really have that passion to become a soldier, pursue it. No matter how hard the application process is, don’t give up. No matter how tough the training is, be tougher. Now I am able to do what I love through the Philippine Army by reaching out to the communities and safeguarding the peace in their area,” dagdag pa niya.