Tanging ang kapatid na si Alex Gonzaga na lang ang natirang celebrity sa following list ng actress-host na si Toni Gonzaga sa Instagram, ilang oras matapos ianunsyo nito ang kanyang pamamaalam sa Pinoy Big Brother.

Screengrab mula sa Instagram account ni Toni Gonzaga

Basahin: Evicted? Toni Gonzaga, napaulat na mawawala na sa Pinoy Big Brother – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ito rin ay kasunod ng kanyang hayagang paglahok nito sa grand proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam nitong Martes, Pebrero 8, na ikinadismaya rin ng ilang Kapamilya artists.

Mga dati at kasalukuyang ABS-CBN workers, dismayado kina Toni, Karla? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nasa twenty-two accounts na tila malalapit na tao kay Toni kabilang ang asawang si Paul Soriano, ang kapatid na si Alex Gonzaga at asawa nitong si Mikee Morada ang tanging mapapansin sa following list ng aktres.

Kasalukuyang mayroong 7 million followers si Toni sa Instagram.