Muling nag-post at nagpakita sa publiko si Queen of All Media Kris Aquino nitong Pebrero 9, 2022, para sa birthday greetings at tribute sa yumaong kuyang si dating Pangulong Noynoy Aquino o 'P-Noy'.

Makikita sa mga kalakip na videos sa IG post na kasama niya ang dalawang 'big boys' sa buhay niya ngayon na sina Kuya Joshua at Bimby. Pare-pareho silang nakasuot ng kulay-dilaw na damit.

Joshua Aquino, Kris Aquino, at Bimby Aquino (Screengrab mula sa IG

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At mukhang nagparamdam daw si P-Noy sa kaniya?

"Sorry, Noy mahirap mag-edit. Kasi grabe ka naman magparamdam… tried my best umabot ng kahit 11:45 PM BUT di talaga kaya," panimula niya sa kaniyang Instagram post.

"I love you so much. I’m so sorry na hindi ko nasabi enough times when you were still here. I'm sorry for letting you down- but I know nakita mo how much your death has profoundly changed me," ani Tetay.

Tinuruan daw siya ni P-Noy na maging humble at limitahan ang pagpo-post sa social media, na nalabag daw niya dahil sa isyu ng hiwalayan nila ng dating fiance na si Mel Sarmiento.

Dito ay sinabi rin ni Krissy na padadalhan niya ng mensahe si Mel at sasabihin dito na napatawad na niya ito at kalilimutan na ang lahat ng mga nangyari sa kanila.

"I know you wanted to teach me how to practice humility and not to post anything that later on I may regret… sorry sumablay lang kay Mel, kasi pumatol ako and nag-comment when I should’ve just shut up. After I post this I'll message him na all is forgiven & forgotten."

Ayaw na raw niyang balikan ang nakaraan dahil ang mahalaga raw ay ang kasalukuyan at ang kinabukasan.

"Time to stop looking back, free myself from the past, focus on today and still have enough FAITH to look forward to tomorrow."

Saad pa ni Krissy, sigurado raw siya na masayang-masaya ang bonding ni P-Noy sa langit, sa kanilang mga magulang na sina dating senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Corazon 'Cory' Aquino. Panalangin niya na sana ay 'humaba pa ang bonding ng tatlo' at huwag muna 'sunduin' ang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel.

"I’m sure super happy ka because solong-solo mo ang Mom and Dad in heaven. Please habaan n'yo pa yung bonding n'yo? If Ate goes, you know how tight she and mom were. If it’s Pinky, everyday may ka-debate ka na hindi takot awayin ka. Please not Viel, she’s super organized & that’s why all your pamangkins get their birthday & Christmas 'hulog ng langit'".

"And if it’s me- you know naman… birthday mo so I’ll behave, di ko na sasabihin but I know you know what I mean."

"WE ALL LOVE YOU and we really miss you- but Kuya Josh & Bimb, they still really need me. Ikaw nang bahala, okay."

Gagawin daw ni Krissy ang lahat nang kaniyang makakaya upang magaya ang yumaong kuya.

"Bunso will try her best to be more like you, and yung inako kong mga binilin mong wag pababayaan- ginagawa talaga."

Ipinakita rin niya na kung ihahambing sa mga nauna niyang ibinahaging videos tungkol sa kaniyang kalagayan, ay mukhang mas maayos-ayos na siya ngayon, batay sa latest videos na kalakip ng naturang IG post.

Minsan pang pinatunayan ni Queen of All Media Kris Aquino ang pagiging 'newsmaker' dahi sa unang linggo pa lamang ng 2022 ay may pasabog na siya. Matatandaang noong Enero 2, 2022 ng gabi ay naunang lumabas sa Balita Online na napansin ng mga netizen na burado na ang mga litrato at video ni Mel Sarmiento sa kaniyang social media accounts. Umugong ang mga chika na baka nagkakalabuan na ang dalawa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/fiance-na-si-mel-wala-nang-bakas-sa-socmed-ni-kris-tanong-ng-mga-netizens-hiwalay-na-ba/

Ngunit Enero 3 ng gabi ay tuluyan na ngang binitiwan ni Kris ang kaniyang pasabog at binasag na ang kaniyang katahimikan. Inamin niyang wala na sila ni Mel at naging mutual ang kanilang pasyang maghiwalay na lamang upang hindi na umano makasagap pa ng COVID-19 si Kris, na noon ay nasa banig na ng karamdaman dahil sa kaniyang auto-immune.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/kris-kinumpirma-ang-hiwalayan-nila-ni-mel-you-will-never-read-nor-hear-anything-at-all-about-him-from-me/

Sa mga nagdaang araw ay unti-unting nagbigay ng ilang detalye si Kris sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ang pinakamatindi sa kaniyang pasabog, inakusahan niya ang dating fiance na 'mapag-imbento' umano ito ng kuwento, hindi siya minahal, at ginamit lamang siya. Pinabulaanan niya ang ulat ni Manay Lolit Solis na posible pang magkabalikan pa sila. Paano raw ba babalikan ang isang taong nalamatan na ang pagtitiwala rito?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-may-paratang-kay-mel-nag-imbento-hindi-siya-minahal-at-ginamit-lang-siya/

Ayon sa chika ni Cristy Fermin, mukhang sumama raw ang loob ni Mel sa lahat ng mga sinabi ni Kris laban sa kaniya.

Saad naman ng mga netizen, mabuti raw at nagkaayos pa sila.