Isang nakangiti at nagpapagaling na Kris Aquino ang bumungad sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram ngayong Pebrero 9, 2022, para magbigay ng update sa kaniyang kondisyon, at batiin na rin ng maligayang kaarawan ang yumaong kuyang si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Isinilang ang dating pangulo noong Pebrero 8, 1960. Kahit na sumasailalim sa medikasyon ay hindi nalimutan ni Kris na gumawa ng IG post para sa namayapang kapatid; kalakip nito ang mga videos nila ng mga anak na sina Kuya Josh at Bimby. Ipinakita rin niya ang video niya habang chinichika ang medical staff na nanguha ng blood sample sa kaniya, para sa pagsusuri.

Anyway, masayang binati ni Krissy ang kaniyang kuya para sa kaarawan nito. Alam raw niyang masayang-masaya ang bonding nito sa kanilang mga yumaong magulang na sina dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino. May pakiusap din siya kay P-Noy.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Josh, Kris, at Bimby Aquino (Screengrab mula sa IG)

"I’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding n'yo?

"If Ate goes, you know how tight she and mom were."

"If it’s Pinky, everyday may ka-debate ka na hindi takot awayin ka."

"Please not Viel, she’s super organized & that’s why all your pamangkins get their birthday & Christmas 'hulog ng langit'."

"And if it’s me---you know naman… birthday mo so I’ll behave, di ko na sasabihin but I know you know what I mean," himig-pagbibiro ni Krissy.

Sinabi rin niya sa post na pinatatawad na niya ang dating fiance na si Mel Sarmiento.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/kris-pinatawad-na-si-mel-alang-alang-kay-p-noy-all-is-forgiven-forgotten/

Marami naman sa mga celebrity friends at followers ni Krissy ang natuwa sa panibagong updates ng Queen of All Media.