Muling pinagtibay ng Akbayan Partylist na buo ang kanilang suporta kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Akbayan, hindi umano ito ordinaryong kampanya ngunit isang hakbang patungo sa tagumpay.

Photo: Akbayan Partylist/FB

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Today is the beginning of a pivotal Presidential election. But what we start today is no ordinary election campaign. Today is a historic moment of defiance, and the first step towards our eventual march to victory," anang Akbayan.

Sinabi rin nito na hindi na sila madadala sa mga kasinungalingan at hindi na sila umano ma-iintimidate sa mga trolls o sa mga fake news.

"On this day, we stand our ground against the return of the Marcoses and the perpetuation of the Dutertes. We will not be carried off by their empty air, lies, and hollow promises. We will not be intimidated by their trolls, or swayed by fake news peddlers and cults of personality," anang Akbayan.

"Today, we roll up our sleeves, set our hands to the task, and fight for a better democracy. We will work once more towards a politics of genuine and progressive reform, compassion, and trust. We will plant the seeds of hope so that the strength and goodness of the Filipino people can bloom again,"

Dagdag pa nila, "Tatalunin ng mga rosas ang mulino ng kasinungalingan. Roses will defeat the windmill of lies."

Bukod kay Robredo, sinusuportahan din ng Akbayan sina vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan at reelectionist Senador Risa Hontiveros.

Matatandaan na naghain ng disqualification case ang Akbayan Partylist laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Disyembre 2, 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/02/akbayan-martial-law-victims-naghain-din-ng-bagong-dq-case-vs-marcos/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/02/akbayan-martial-law-victims-naghain-din-ng-bagong-dq-case-vs-marcos/