Isang taga-Laguna ang naging instant multi-millionaire matapos na mapanalunan ang tumataginting na₱49.8 milyong jackpot ng Regular Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi.
Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng mananaya ang six-digit winning combination na 30-20-15-09-23-22 ng Regular Lotto 6/42 na binola ng PCSO dakong alas-9:00 ng gabi ng Sabado.
Dahil dito, napanalunan niya ang katumbas na jackpot na ₱49,813,434.40
Nabili aniya ng lucky bettor ang ticket sa Bay, Laguna.
Pinayuhan naman ng PCSO ang nanalo na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid government ID at ang lucky ticket.
Mary Ann Santiago