Siyam ang naiulat na namatay, kabilang ang isang menor de edad, matapos araruin ng isang van ang mga ito habang naglalamay sa Barangay San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang siyam na sina Alladin Onate, Zalrita Maganay, Duarte Onate, Eric Onate, May Ann Martinez, Rosita Martinez, Charry Onate, Elisa Martinez at Jeric Martinez, pawang taga-San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan.

Nasa kritikal na kalagayan naman ang driver na si John Vincent Domingo, 42, isang Army reservist, taga-Bulanao, Tabuk, Kalinga. Isinugod din sa ospital ang kasamahan ni Domingo na si Allan Jay Parungao dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa panayam kay Lal-lo Police deputy commander, Lt. Gilbert Columna, ang insidente ay naganap sa nasabing lugar, dakong 9:30 ng gabi.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

“Sa aming imbestigasyon, ang mga biktima ay galing sa lamay sa nabanggit ding lugar at tumambay lamang sa balcony ng bahay ng isang Renato Olores nang araruinsila ng van na minamaneho ni Army reservist Domingo," ani Columna.

Bago sumalpok sa nabanggit na lugar, binangga muna ng van ang isang traysikel at isang sports utility vehicle (SUV).

Sa panayam naman kay Parungao, kapwa sila driver at kagagaling lamang nila sa 1th Infantry Battalion (IB) sa Bangag, Lal-loat pauwi na sana sila nang maganap ang aksidente.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang sanhi ng aksidente.

Sina Domingo at Parungao ay nahaharap sa kasongreckless imprudence resultingto multiplehomicide at multiple damages, dagdag pa ng pulisya.

Liezle Basa Iñigo