Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang umano'y Instagram story ni Kapamilya young actor Kyle Echarri kasama ang katambal ni Seth Fedelin na si Andrea Brillantes, gayundin ang Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Kapansin-pansin kasi na topless o walang suot na pang-itaas si Kyle at tila nakahiga silang tatlo sa kama. Si Andrea ay nakasuot ng eye glasses at nasa kanan niya habang si Darren naman ay nasa kaliwa niya.

Ayon sa mga ulat, ang nasabing litrato ay aksidente umanong nai-post ni Kyle sa kanyang IG story, at agad din namang binura.

Karina Bautista, PH navy reservist na

May be an image of 2 people and text
Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Darren Espanto (Screengrab mula sa Twitter)

Agad na nag-react dito ang mga tagahanga ng tambalang SethDrea at KyCine, lalo't noong Enero, naging usap-usapan din ang litrato nina Francine Diaz at Seth Fedelin habang kasama ng young actor ang katambal ni Kyle, sa mismong bahay nito, kasama ang pamilya. Ang ina pa mismo ni Francine na si Merdick Diaz ang nag-post nito sa social media. Umingay tuloy ang mga chika na baka sina Francine at Seth talaga ang nagkakagustuhan, kaya naman nabuo ang hashtag na #FranSeth.

Bagama't hindi naman kumpirmado kung nauwi na ba sa totohanan ang kanilang patok na tambalan, nagulat na lamang ang mga tagahanga nina Andrea Brillantes at Francine Diaz nang mapabalitang inunfollow umano ni Andrea si Francine dahil sa pagseselos umano nito kina Francine at Seth.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/andrea-brillantes-at-francine-diaz-nag-unfollow-sa-isat-isa-dahil-kay-seth-fedelin/

Ayon sa kumakalat na chika mula sa mga Marites (na hindi pa kumpirmado kundi alingasngas lamang), ang totoong bet umano ni Seth ay si Francine, subalit wala umano siyang magawa dahil malakas at iniingatan nila ang tambalan nila ni Andrea. At si Andrea naman umano ay nahulog na raw kay Seth, kaya nagseselos umano siya sa pagiging malapit ng dalawa, kaya nabuo ang hashtag na #FranSeth. Ngunit wala pang nagkukumpirma ni isa sa kanila kung trulalu at walang halong eklavu ang chikang ito.

Samantala, pinag-usapan din ang kumakalat na TikTok video ni Andrea kung saan makikitang parang mugto ang mga mata niya, bagama't ang caption ay bagong gising siya, na lalong nagpalutang sa ingay na may pinagdaraanan sa usaping puso si Blythe.

Chika pa ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na 'Showbiz Update', may impormasyong nakarating sa kaniya mula sa mga mapagkakatiwalaang sources na nakasaksi sa panunugod daw ni Andrea kay Francine sa dressing room noong Disyembre 18, 2021, sa ABS-CBN Christmas Special na umere nang live, bagay na hindi naman nakumpirma.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

Nag-ugat daw ito sa pagpapapicture umano ni Seth kay Francine pagkatapos ng event, na hindi raw nagustuhan ni Andrea. Ayaw daw ni Andrea na ginagawa ito ni Seth dahil nga gino-groom ang SethDrea para maging isa sa mga tambalang aabangan sa Kapamilya Network. Iyon daw ang dahilan kung bakit nagpunta si Seth sa bahay nina Francine, upang ito na umano ang humingi ng dispensa sa ginawa ng katambal.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

Pambubuking pa ni Ogie, ayon daw sa kaniyang mga source ay nagkaroon ng relasyon sina Seth at Andrea sa loob ng dalawang taon, sa kasagsagan ng paggawa nila ng KG. Samantala, wala pang paliwanag sa panig na ito sina Andrea, Francine, o maging si Seth. Wala ring balita kung nagkaayos-ayos na ang tatlo.

Ngunit batay sa kanilang mga dating photos ay magkakaibigan sina Kyle, Andrea, at Darren. Hindi umano kataka-takang komportable at magkakasama sila dahil nga sa pagkakaibigan nila. Ayon pa sa ibang netizen, kasama rin umano sa kanilang overnight ang Kapamilya young singer na si AC Bonifacio. Umuwi naman umano kaagad si AC at hindi nakasama sa overnight.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Shuta normal naman ito sa mga magkaibigan. Wala naman issue dito yung mga tao lang talaga ma-issue. May mga friends din kami na sa iisang kuwarto pa kami natutulog with all the girls. Minsan ako lang ang lalaki. Pero wala naman din kami malisya or something. Pero sa bagay di kami artista para pag-usapan."

"They are good friends, huwag gawan ng isyu."

"For me, normal na lang 'yan ngayon. We cannot judge kasi hindi natin alam ang kuwento sa likod nito at kung ano ang bigger picture."

"Funny ha, to be honest wala naman talagang dapat na issue diyan kasi get together nilang magto-tropa 'yan with AC, but the thing here is sobrang unfair ng mundo HAHAHA, noong si Francine may picture na kasama ni Seth with the whole family, sobrang issue n'yo dagdag n'o pa kay Andrea na 'GASLIGHTING QUEEN'-oh palag?"

Pakiusap ng mga tagahanga nila na huwag naman sanang haluan ng malisya at husgahan ang naturang larawan, lalo't hindi pa naman nagbibigay ng pahayag o tugon ang tatlo tungkol dito.

May IG story naman si Andrea kung saan makikitang magkakasama sila nina Kyle, Darren, at AC na may text caption na 'Mini Reunio' at 'Squad Goals'.

May be an image of 3 people, people standing and text
Kyle Echarri, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at AC Bonifacio (Screengrab mula sa IG/Blythe)

Samantala, kasabay nito ang pagkalat ng screenshot ng IG post ng tita umano ni Darren Espanto, na nagpapaliwanag sa mga tagahanga na hindi nililigawan ni Darren si Andrea. Wala rin umano silang relasyon. Ngunit ang tanong ng mga netizen, kanino umano ito nagagalit?

May be an image of text
Screengrab mula sa Twitter

Nang i-check ng Balita Online ang naturang IG account, hindi na ito matagpuan.

Screengrab mula sa IG