CEBU CITY - Kinuwestiyonni dating presidential spokespersonHarry Roque ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon kasunod na rin ng rekomendasyon nito na kasuhansina Pangulong Rodrigo Duterte, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at iba pang opisyal ng gobyerno na umano'y dawit sa Pharmally scandal.

"They had about 20 hearings, they spent public funds on these hearings. My question, if it was an inquiry in aid of legislation, where is the result of legislation? No legislation came out," pagbibigay-diin ni Roque sa isang pulong balitaan nitong Sabado, Pebrero 5.

Aniya, ang naging hakbang ng komite ni Gordon na sampahan sina Duterte at Duque ng kasong kriminal ay may bahid-pulitika.

"It (recommendation) is just a scrap of paper. It has not been voted upon in the Senate plenary which means the individual decision is meaningless. It is just a piece of paper," sabi niRoque.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Nauna na rin aniyang inanunsyo ng Commission on Audit na walang naganap na overpricing at ghost deliveries sa pagbili ng COVID-19 supplies.

Paglilinaw ni Roque, ang agarang pagbili ng medical supplies ay alinsunod sa Bayanihan Act.

Hindi rin naniniwala si Roque na gagamitin ang mga nasabing pagdinig bilang pantulong sa paggawa ng batas.

Layunin lamang aniya ng mga pagdinig ng Senado na mausig si Duterte at magamit ito sa muling pagkandidato ni Gordon bilang senador.

"That was in aid of persecution because they are hitting the president. They don't want the President's candidates to win,"sabi pa ni Roque.

Calvin Cordova