Tila sinusuportahan ni Polangui Vice Mayor Restituto "Buboy" Fernandez, kilalang boxing trainer at kaibigan ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao, ang kandidatura ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa Facebook live ni Mayor Sara nitong Linggo, Enero 6, nagpakita ng suporta si Fernandez sa vice presidential candidate nang bumisita ito sa Albay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hi this is Vice Mayor Buboy Fernandez of Polangui Albay. Support po tayo para sa ating vice president Sara Duterte. Sara all!" aniya.

Matatandaang si vice presidential candidate at dating Manila Mayor Lito Atienza ang ka-tandem ni Pacquiao sa darating na eleksyon.

Sabay na naghain ng kandidatura sina Atienza at Pacquiao noong Oktubre 1, 2021-- unang araw ng filing ng certificate of candidacy.

Kilala sa mundo ng sports si Fernandez dahil matagal na siyang boxing trainer ni Pacquiao. Bukod sa pagiging trainer, magkababata din sila ni Pacquiao dahil sabay silang lumaki sa General Santos City. 

larawan mula sa Instagram ni Manny Pacquiao

Noong 2019 mid-year elections, nanalo bilang vice mayor ng Polangui, Albay si Fernandez. Bago pa man ito maging vice mayor, naging konsehal din siya ng Polangui.