Matapos na pag-usapan sa online world at haluan ng malisya ang kumalat na buradong IG story ni Kapamilya young actor-singer na si Kyle Echarri, may cryptic Instagram post ang sikat na Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes, na tila pasaring umano sa lahat ng mga basher at hater na nagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kaniya.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/06/mga-netizen-ipinagtanggol-sina-kyle-andrea-at-darren-hinggil-sa-buradong-ig-story/">https://balita.net.ph/2022/02/06/mga-netizen-ipinagtanggol-sina-kyle-andrea-at-darren-hinggil-sa-buradong-ig-story/
Ibinahagi niya sa kaniyang IG story ang isang art card batay sa bible verses na Psalm 62: 1-7.
Mapapansing naka-highlight ang mga taludtod na "So many enemies against one man---all of them trying to kill me. They plan to topple me from my high position, they delight in telling lies about me."
"Let all that I am wait quietly before God, for my hope is in Him."
"…my fortress where I will not be shaken."
"My victory and honor come from God alone. He is my refuge, a rock where no enemy can reach me…"
Bukod dito, ibinahagi rin niya ang litrato nilang apat nina Kyle Echarri, Darren Espanto, at AC Bonifacio sa ginanap nilang mini reunion. May text caption itong 'Squad Goal'.
Samantala, wala pang pahayag, paliwanag, o tugon sina Andrea, Kyle, at Darren tungkol sa isyung ipinupukol sa kanila ngayon.