Mula nang lumabas sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition ang sumikat na online seller na si Daisy Lopez a.k.a. 'Madam Inutz' ay mas lalong nadagdagan ang kaniyang mga proyekto sa telebisyon. Isa na nga riyan ang pagiging kabilang niya sa nilulutong romantic comedy series nina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at Kapamilya Star Angelica Panganiban.

Nagbigay ng kaniyang update ang 'kabadong' si Madam Inutz sa unang sabak niya sa pag-arte. Kinakabahan daw siya dahil makakaharap niya ang award-winning at box-office director na si Direk Cathy Garcia-Molina, ang nagdirehe ng mga pelikulang tumabo sa Star Cinema, na siyang magiging direktor ng proyekto nina Papa Pi at Angge, kasama nga sina Madam Inutz at marami pang iba. Ito ay may titulong 'My Papa Pi'.

"MGA INUTZ!! DAY 1 KO SA LOCK IN TAPING!! MASAYA AT MAY HALONG KABA ANG INUTZ N'YO DAHIL MAKAKATRABAHO KO SI DIREK CATHY MOLINA!! BEHAVE LANG INUTZ N'YO. SyEMPRE BAWAL MAGMURA SA SET PERO HAPPY YAAARN MY PAPA PIOLO PASCUAL, ANGELICA PANGANIBAN, PEPE HERRERA AT MARAMI PA SILA MAKAKASAMA KO SA SET!! GOODLUCK SA AKIN!!" saad sa caption ng FB post ni Madam Inutz.

Tuwang-tuwa naman si Madam Inutz nang mabigyan siya ng pagkakataong makapagpa-picture kay Papa Pi. Aniya, magiging masaya na siya kapag nagka-bed scene sila ng hunk actor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 2 people
Piolo Pascual at Madam Inutz (Larawan mula sa FB)

"MGA INUTZ, LOOK OH…PAPA PI!! PINAGPAPANTASYAHAN KO LANG ITO DATI NOONG DALAGA PA AKO, NGAYON KASAMA KO NA SA MGA GANAP SA EKSENA. DIREK, OKS NA OKS PO SA AKIN ANG MAY BED SCENE!! CHAROT LANG KASI HAROT LANG INUTZ!! ETO ANG NGITING TAGUMPAY!! OOOW..JIIIIEVA," caption ni Madam Inutz.

Hindi lamang siya nakapagpa-selfie kay Piolo kundi sa idolong si Angelica Panganiban, at sa iba pang mga kasamahan gaya nina Frenchie Dy, Pepe Herrera, Joross Gamboa, at Katya Santos, na dating napapanood lamang daw niya sa TV.

May be an image of 2 people and indoor
Katya Santos at Madam Inutz (Larawan mula sa FB)

May be an image of 6 people, people sitting, people standing and indoor
Madam Inutz, Frenchie Dy, at Pepe Herrera (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people and indoor
Madam Inutz at Angelica Panganiban (Larawan mula sa FB/Madam Inutz)