'On fire' si 'Magandang Buhay' host Momshie Melai Cantiveros nang makanti ng isang basher ang kanilang anak ni Jason Francisco, dahil lamang sa isyu ng 'shipping'.

Ibinahagi ni Melai sa kaniyang Instagram account ang screengrab kung saan tinalakan siya ng isang tagahanga ng isang tambalan. Isyu ng basher, nirereto o 'shipping' ni Melai si Kyle Echarri kay Chie Filomeno. Si Kyle ang katambal ni Francine Diaz. Batay sa pangalan ng netizen, mukhang tagahanga ito ni Francine.

"Epal mo din eh ano. Wag mo i-ship si Kyle kay Chie, anak mo nga ang pangit," sabi ng basher.

Bilang ina, hindi naman ito pinalagpas ni Melai.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Humanda ka, papahanap kita, idedemanda kita," tugon niya rito.

"Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa NBI (National Bureau of Investigation) ang account mo, mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko," pagbabanta ni Melai sa kaniyang Instagram post.

Saad pa ng Magandang Buhay host, siya na lang sana ang atakihin, huwag ang anak niya.

"Ako sabihan mo ok lang 'wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit mag-deactivate ka, alam ko fan ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita."

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Sumang-ayon naman dito ang mga kaibigang celebrity ni Melai gaya nina Darla Sauler, Juliana Parizcova Segovia, at mga ex-Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 celebrity housemates na sina John Adajar at Benedix Ramos.

Noong Pebrero 4, sa pinakabagong update ni Melai tungkol dito, ibinahagi niya na nagkausap na sila ng basher. Ibinahagi niya ang screenshots ng kanilang pag-uusap. Mukhang pinatawad na niya ito. Tinawag niya itong 'basher serye'.

"Ito na nga closure ng basher serye ng hapon ko ngayon, nag-reach out naman siya at marami sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nag-comment no'n, pero syempre sino ba ako para di mapakinggan ang side niya at di siya mapatawad, hayan maging lesson 'yan na 'wag basta magpadala sa feelings tapos pipindot na lang na di inaalam kung may mahe-hurt ka ba na damdamin, matuto tayo rumespeto ng tao," ani Momshie Melai.

"Respeto is the key para sa matiwasay na buhay, kung di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo, and let's mind our own business, at last magpatawad at magmahalan."

Nagpaumanhin naman siya kay Francine dahil sa nangyari.

"And kay bebegirl @francinesdiaz pasensya ka na bebe at nadamay name mo dito, at alam kong maiintindihan mo naman kung saan ito nanggaling #respect #forgive #waganakko."

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Kung babasahin daw ang naging takbo ng usapan nina Melai at basher, parang hindi naman daw sinsero ang paghingi nito ng tawad. Pasalamat na lamang daw ito dahil mabait at mapagpatawad ang TV host.

"Parang di naman siya apologetic sa ginawa niya. Anyway, may karma naman sa mga ganyan."

"Parang napilitan lang, buti na lang mabait si Melai."

"Kakagigil no? Parang di sincere and napilitan lang. Kung ako kay Melai, ituloy niya ang demanda at nang magtanda."

"We understand naman Ate Melai yung naging reaction mo kasi syempre anak mo 'yun and walang taong deserve na makatanggap ng ganoong salita. As Francine's solo stans, we are always thankful sa'yo kasi alam namin kung paano mo tinulungan si Francine noon and alam namin kung gaano ka kabuting ate sa kaniya. Ang amin lang din po is sana 'wag na ring madamay si Francine sa mga ganito kasi ang dami niya ring pinagdaanan lately."

"Obviously di sincere ang hyp… pero let the karma works… malungkot ang buhay ng taong 'yan…"

"Kung ako sa 'yo, tuloy mo pagpapahanap diyan. Masyadong nagiging iresponsable mga tao ngayon. Pati mga bata dinadamay. Di siya apologetic, sassy pa magsalita. I-push mo idemanda 'yan nang natuturuan ng leksyon 'yang mga bastos at duwag na 'yan."