Sugatan ang beteranong aktor na si Diether Ocampo matapos sumalpok ang kanyang minamanehong sports utility vehicle (SUV) sa nakahintong dump truck sa Makati City nitong Biyernes, Pebrero 4.

Walang malay at sugatang dinala sa Makati Medical Center ang actor na si Ocampo sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang aksidente sa Osmeña Highway bago dumating sa Arnaiz Avenue, Barangay Pio Del Pilar sa lungsod ng Makati dakong 12:40 ng madaling araw.

Mag-isa lamang si Ocampo makaraang bumangga ang sasakyan nito sa likurang bahagi ng nakaparadang truck ng basura na nangongolekta ng basura sa lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala namang nasaktan sa panig ng mga basurero nang mabangga ng SUV ang kanilang dump truck.

Sinasabing mabilis umano ang takbo ng SUV ng aktor bago biglang bumangga sa truck.

Sa lakas ng impact nasira ang harapang bahagi ng sasakyan ng actor kung saan gumana naman ang air bag ng kanyang SUV sa nangyaring aksidente subalit nawalan siya ng malay.

Mabilis na rumesponde ang mga rescuer at agad na dinala ang actor sa pagamutan upang  malapatan ng lunas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Bella Gamotea