Sa kabila ng usap-usapan kamakailan kaugnay ng umano’y hiwalayan nina Kapuso couple Tom Rodriguez at Carla Abellana, parehong bida at ipinagdiwang ng mag-asawa ang kaarawan ng alagang aso sa kani-kanilang Instagram stories nitong Huwebes.

Basahin: Tom, in-unfollow si Carla sa Instagram; Kapuso couple, hiwalay na nga ba? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa Insta story ni Tom, bida ang cute na cute at dressed up na alagang aso. Isang cake na may munting kandila pa ang makikita sa larawan.

“Happy 9th birthday, my baby girl! I love you so much!” mababasa sa storyni Tom.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Tom Rodriguez via Insta story

Hindi rin nakalimot si Carla at ipinaabot din sa kanyang Insta story ang pagbati sa kanyang “baby.”

“Happy 9th birthday, my baby. Mommy loves you so much,” saad ni Carla sa larawan ng alagang aso na tila nagtatago sa isang kumot.

Carla Abellana via Insta story

Sa Instagram ni Carla, makikitang certified fur-parents ang dalawa kung saan naitampok niya minsan ang mga alagang aso sa isang Christmas photo noong 2020.

Carla Abellana via Instagram

Matapos mapabalitang, in-unfollow ni Tom si Carla sa Instagram, mapapansing kasama na muli sa following list ng aktor ang aktres.

Basahin: Tom, naka-follow na ulit kay Carla; nag-away ba talaga o nagpa-miss lang sa isa’t isa? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang ikinasal ang Kapuso couple sa San Juan Nepomuceno Parish Church noong Oktubre 2021 matapos ang pitong taong relasyon.