Positibo sa COVID-19 ang 12 Bar examinees habang 13 naman ang hindi sumipot sa unang araw ng Bar examination sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) nitong Biyernes, Pebrero 4.

Ang mga naturang examinees ay kabilang sa 259 law graduates na nakatakdang kumuha ng examination ngayong araw sa ADZU, ang tanging Bar examination venue sa Zamboanga City.

Nasa 234 lang ang dumating sa testing venue.

Sa datos mula sa Emergency Operations Center sa ilalim ng City Disaster Risk Reduction Management Office ipinakita na 12 sa 259 na examinees ang nagpositibo sa COVID-19 noong Pebrero 2 at 3.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Nakasaad sa Executive Order 703-2022 na ang lahat ng bar examinees ay inatasan na sumailalim sa COVID-19 testing nang hindi bababa sa 48 oras bago ang Bar exam.

Mahigpit din ipinatutupad ang health protocols sa mga examinees, proctors, at personnel ng Korte Suprema.

Walang naitalang problema sa seguridad at trapiko sa paligid ng unibersidad.

Upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, naglabas ng executive order si Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar para sa pagsasara ng tatlong pangunahin lansangan na nakapalibot sa testing venue.