Matapos maging viral at trending ang wise voting campaign ni Angelica Panganiban, lumabas naman ang ‘parody’ version nito na ginawa ng ‘VinCentiments’ tampok si ‘Miss Q&A Season 1 Grand Winner’ ng noontime show na ‘It’s Showtime’ na si Juliana Parizcova Segovia.

Umere ito sa official Facebook page ng VinCentiments noong Pebrero 2, 2022. May caption itong "Nauto ka na ba ng mga nagmamalinis?"

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Kagaya rin ng suot ni Angelica, nakasuot rin ng puting pang-itaas si Juliana subalit ang iniinom niya ay isang uri ng inuming nakalalasing.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Hmmm… Minsan ka na bang naniwala sa mga nagmamalinis? Yung akala mo---biktima sila? Kawawa sila? Bida sila? Nako, nako, nako! Jusme! I remember so many people!" unang banat ni Juliana.

Juliana Parizcova Segovia (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Sa pagpapatuloy, "Ilang beses nila akong pinasakay sa mga drama ng palinis at pa-victim nila. Amputa! Nakiiyak-iyak pa 'ko sa mga kuwento nila, pumalakpak pa 'ko sa mga drama at imbento nila. Kesyo sila ang mababait, sila ang mabubuti. Aping-api sila. Pero huwag ka! Pag nakilala mo---para silang mga sphynx. Ugali nila'y nakaka-stinks. At kung manghusga ha? Talagang nakaka-shrink. Wala eh… napaniwala nila ko eh. Nagrecruit pa nga ako ng mga friends para maniwala sa kanila. 'Yun pala, pa-victim ampota!"

"Ang sakit palang mauto ha! Nakakasawa din pala magpapaniwala. Kesyo niloko siya, wala daw siyang kasalanan… tapos ako, maaawa, kakampihan siya, hanggang sa---may darating ulit, iiwan na naman siya, tapos marerealize ko… ako na uto-uto… teka, iniwan siya ng una, ng pangalawa, pangatlo, pang-apat… baka naman wala sa mga nang-iwan 'yung problema? Baka naman nasa… akin?"

Juliana Parizcova Segovia (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

At sa panghuling bahagi, pumasok na ang mensahe para sa eleksyon.

"Kaya sa darating na eleksyon, mag-ingat sa mga pa-victim at nagmamalinis. Sila rin ang nagsasabi na wala silang nagawang mali, walang bahid, walang kasalanan. Hihi. Walang taong ganyan. Hello? Baka nga wala ring original sin 'yan bago binyagan. Huwag ka lang humusga base sa pinag-aralan, dahil napakaraming edukado pero demonyo. Kesyo marami raw nagawa, pero mas magaling manira. Hmmm!"

"Huwag na tayong papauto sa mga nagbabait-baitan… dadalhin lang tayo niyan sa langit-langitan. Mag-ingat sa mga kunwaring tagapagligtas ha at laging nagmamagaling. Ingat sa mga pa-victim!" pagtatapos ni Juliana.

Juliana Parizcova Segovia (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Narito naman ang naging reaksyon at komento ng mga netizen.

"Walang binanggit baka triggered na naman yung iba."

"Ngayon lang ako natuwa sa ginawa ng VinCentiments ang ganda bravo."

"Parang kilala ko 'yang artista na yang pa-victim hahaha naloko sa una tapos naloko ng isa 2x pa haha."

"Naku may kilala din ako na ganyan tao, inutusan at gumamit pa ng kakilala ko para mag-spy sa akin. Tapos nagpa-victim, ako pa daw ang nangugulo. As always magaling lang sa salita pero sa gawa kabaliktaran."

"Bakit parang na-highlight yung 'kakampihan'?"

"Yung version ni Angelica was somehow cute kasi mga love hugot. It was all truth. Real talk. This version is full of hate and judgement."

"Ito yung walang originality haha nakikisabay lang sa uso… yung tipong 'MEMA' lang haha… pero pinanood ko pa rin para naman dagdag views."

Samantala, nagsalita naman ang direktor ng VinCentiments na si Darry Yap.

"Paano ko po gagayahin ang sarili kong style? Wag po tayo mag-away-away. Wala naman po silang binanggit na mga pangalan," aniya.

"I think my comment did not make it to the grand finals. I can’t copy my own style (since 2017). The same style they branded as basura—the same style they’re doing now—in social media, their films and contents."

"I don’t have the monopoly of ideas—"

"I am not owning anything…"

"I don’t own any formula."

"The only formula here is the composition of their own medicine."