Iniurong ng gobyerno ang nakatakdang pagbabakuna sa mga edad 5-11 sa Pebrero 4 matapos maantala ang pagdating ng Pfizer vaccine sa bansa.

Ito ang pinagpasyahanng National Task Force Against COVID-19 at sinabing itutuloy na lamang ito sa Lunes, Pebrero 7.

Aabot sa 21 na ospital at medical facilities sa Metro Manila ang gagamitin bilang vaccination sites.

“The rollout for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges. The FDA (Food and Drug Administration)-approved Pfizer vaccines will be arriving on the evening of Friday, February 4, 2022,” ayon sa NTF.

National

Masbate, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 3, darating sana ang kabuuang 750,000 doses ng Pfizer vaccine sa Pilipinas, gayunman, iniurong at itinakda sa Biyernes ang pagpapadala nito, sabi ng NTF Against COVID-19.

Idinagdag pa ng NTF na nakabuti pa ang pagpapaliban ng pagpapadala ng bakuna sa bansa dahil nabigyan pa ng sapat na paghahanda at pamamahagi ng bakuna.

Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kahilingan ng Pfirzer na gamitin ang kanilang special doses para sa mga batang edad 5-11.

Sinabi naman ni NTF Against COVID-19 chief implementer/vaccine czar Carlito Galvez, Jr., plano nilang maturukan ang mas marami pang bata upang madagdagan ang kanilang proteksyon laban sa virus.

Aaron Recuenco