Umalma si 'Miss Q&A' Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa mga 'triggered' netizen na nakapanood ng parody version niya ng campaign video ni Angelica Panganiban, na may tagline na 'Ingat sa mga pa-victim'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/">https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/

Paggising daw niya, bumaha ng mga galit na mensahe mula sa mga tagausporta ng mga presidential candidate dahil sa video na inilabas ng VinCentiments, na idinirehe ni Darryl Yap.

"Pag gising ko today may galit na LeniSupporters, BBMSupporters, IskoSupporters, LacsonSupporters, PacmanSupporters…BAKIT PO GALIT? Litong-lito ba kayo para kanino yuung video? WALA NAMAN PANGALAN DI BA?? AKALA KO BA BASTA WALANG PANGALAN WAG KAKAHOL??" saad ni Juliana sa kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Screengrab mula sa FB/Juliana Parizcova Segovia

Tahasang sinabi ni Juliana na wala naman siya o silang pinatatamaang kandidato. Sa katunayan, lahat naman daw ay 'bait-baitan' tuwing halalan; magmula sa pagkapangulo hanggang sa barangay kagawad.

Inamin din ni Juliana na hanggang ngayon ay wala pa siyang napipili, bagama't noong Oktubre 2021 ay nag-post siya ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

"MASYADO PA MAAGA PARA PUMILI… KALMA LANG… AKO NGA WALA PA RIN NAPIPILI EH… AT AMININ N'YO MAN O HINDI, Lahat ng mga kandidato sa eleksyon mula sa pagkapangulo hanggang sa brgy. kagawad, lahat 'yan bait-baitan pag eleksyon, mga maawain, kunwari nagmamalasakit, mga pa-victim, PERO PAG NAKAPWESTO NA? AYYY EWAN KO NA LANG KUNG KILALA KA PA…"

Paglilinaw ni Juliana, "KAYA YUNG VIDEO PARA 'YUN SA LAHAT… KAYA WAG MUNA MAINIS MAHAL ANG PATIS."

May pahabol pa siyang mensahe, "Teka gagawa pa nga kami ng isa pa… yung may pangalan na pero pag-iisipan ko muna kung sino SIYA."

Samantala, may netizen naman na bumanat sa kaniya na nagpakita ng 'resibo' na nag-post siya ng pagsuporta kay VP Leni noong Oktubre 2021. Ano na raw ba ang nangyari?

May be an image of 4 people, people standing and text that says 'Ingat sa mga pa-victim! Juliana Parizcova Segovia Oct 2021 <Cs Follow Trust the magic of new beginnings Pink is not just color,it's an attitude #LetLeniLead2022 #QueenJ @bise_leni'
Screengrab mula sa FB/Juliana Parizcova Segovia

Screengrab mula sa FB/Juliana Parizcova Segovia

Sagot niya, "May batas ba nagsasabi na bawal magbago ng isip pag may napili na… anong article? Ano ba tawag doon? 'Touch move?' Teka hanapin ko aahh."