Dalawa ang naiulat na binawian ng buhay at 408 pang residente ang naapektuhan ng diarrhea outbreak sa anim na barangay sa Caraga, Davao Oriental nitong Huwebes, Febrero 3.

Sinabi ng mga awtoridad na kabilang sa nasawi ang isang 11 buwang gulang na sanggol at isang 57 taong gulang na lalaki.

Karamihan sa mga residente ay isinugod sa mga ospital at health center upang mabantayan ang kanilang kalagayan.

Nauna nang naiulat na posibleng maruming tubig ang sanhi ng insidente.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Kaugnay nito, kaagad namang kumilos si Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang upang matulungan ang mga naapektuhan ng diarrhea outbreak.

Magsasagawa aniya sila ng madalas na paglilinis sa mga water reservoir upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Matatandaang nagkaroon din ng kahalintulad na insidente sa nasabing bayan noong Oktubre 2021 na ikina-ospital ng 80 na residente.