May cryptic post ang showbiz columnist na si Ogie Diaz tungkol sa pangmatagalang relasyon na hindi nagtatagal dahil sa pagiging patay-malisya lamang kapag may kaibigang 'magnanakaw'.

Ayon sa kaniyang Facebook post, "Di talaga magtatagal ang relasyon n'yo pag aware ka namang magnanakaw yung friend mo eh deadma ka lang."

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasabay ito ng pagiging trending ng salitang 'Magnanakaw' at ang latest wise voting campaign video ni Kapamilya star Angelica Panganiban, na nagsasaad na 'Huwag magpapabudol, huwag sa magnanakaw' sa darating na halalan 2022.

Screengrab mula sa Twitter

Lumabas ang naturang voting campaign video noong Pebrero 1 subalit pinag-usapan na kaagad ito ng mga netizen.

"Ilang beses na tayong nasaktan, beh. Dapang-dapa. Wasak na wasak. 'Wag na tayong magpapabudol! Iwasan na natin ang mga manloloko," saad sa caption.

Nagsimula ang video na ipinakita ang nakaupong si Angelica habang umiinom ng inumin mula sa kaniyang puting tasa.

"Hmm! Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao? Yung akala mo, gold medalist ka na, tapos, fake news pala? Hmmm… naku, naku, naku… don't me! Alam ko 'yan. Marami akong entries. Alam n'yo naman 'di ba?" panimulang pahayag ni Angge. Wala naman siyang pinatungkulan o binanggit na pangalan ng kaniyang mga naging karelasyon.

Sa pagpapatuloy, "Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh. Dapang-dapa. Ninakawan ako ng pag-asa, at pangarap. Huy! Sus! Para kang nag-swimming sa kalsada, alam mo 'yun? Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac. Minahal ko eh. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero… wala! Nganga! Mambubudol pala."

"Ang sakit umasa ha? Nakakapagod ding maging tanga. Sa ganda kong 'to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It's not worth it. I've learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko."

At dito na pumasok ang kampanya para sa matalinong pagboto para sa darating na halalan 2022.

"Kaya yung eleksyon sa May 2022, ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio data mula High School hanggang College. Alamin at tingnan ang character references."

"'Wag magpapabudol at 'wag sa magnanakaw!"

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

Tanong ng mga netizen, may pinariringgan o pinasasaringan kaya ang showbiz columnist? Wala pang kumpirmasyon o paglilinaw mula kay Ogie kung ito ba ay personal, usaping showbiz, o usaping politikal.