Napaiyak pala ang Megastar Sharon Cuneta sa kagagawan ng kaniyang mga kasamahan sa kinabibilangang teleserye na 'FPJ's Ang Probinsyano.

Pero hindi dahil sa sama ng loob, tampuhan, o galit, kundi dahil sa labis na kaligayahan at pagpapahalagang natanggap niya mula sa kanila. Imagine, tapos na ang kaarawan niya noong Enero 6 ngunit may pahabol pa silang pa-cake para sa kaniya!

Ayon sa latest Instagram post ni Mega, apat na birthday cakes ang natanggap niya mula sa kaniyang mga kasamahan sa teleserye. Kinantahan pa siya ng birthday song, kaya hindi napigilan ni Shawie na maging emosyunal dahil sa pagmamahal at pagpapahalagang natatanggap niya magmula sa mga direktor, co-artists, staff at crew ng programa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/Sharon Cuneta)

Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/Sharon Cuneta)

"I have received four birthday cakes since I arrived back in Ilocos, but today, as my director, crew and staff surprised me with my fourth cake and sang the birthday song to me…"

"I was seriously touched that I cried! It means so much to me to feel loved, especially now."

"Thank you so much! May pamerienda pa na spaghetti and pork bbq para sa lahat!" ayon sa caption ng kaniyang Instagram post nitong Enero 31.

Samantala, sa isa pang IG post ay pinasalamatan din ni Mega ang pahabol na sorpresa sa kaniya nina Johnny 'Mr. M' Manahan at Mariolle Alberto, dating heads ng Star Magic sa ABS-CBN, na ngayon ay parehong consultants ng Sparkle GMA Artist Center. 'Dad' ang tawag ni Shawie kay Mr. M.

"A belated THANK YOU to my 'Dad' Mr. M, Johnny Manahan and Tita Mariole Alberto for remembering me on my special day. I haven’t seen you in a while and miss you so very much…Thank you, my Dad, for always remembering your baby girl who misses you calling her 'sweetheart.' I love you with all my heart."

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

Sa ngayon ay balik-Ilocos na si Mega para sa lock-in taping ng FPJ's Ang Probinsyano.