Natanong ng isang netizen si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung ano ang maipapayo niya hinggil sa pagko-confess o pag-amin ng nararamdaman sa taong nagugustuhan, sa pamamagitan ng tweet.

"Hi po Miss Pia, what can you say about confessing to someone? Or being committed to someone? #AskPia."

Agad naman itong sinagot ng beauty queen.

"Ang masasabi ko lang… if you really like the person, go for it. Kung hindi kayo para sa isa't isa, at least makaka-move on ka na. Habang pinapatagal mo yung pagtago ng feelings mo, hindi mo malalaman yung answer. Madedelay lalo yung pagdating ng para sa'yo," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Pia Wurtzbach

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Very true. wala masama sa pag-amin. Positive outcome either way. Mareject ka man at least you confirmed it, easier way to move on. Mutual feelings? Eh 'di kayo na."

"Pag kasing ganda ni Pia eh walang kaeffort-effort yung pag-amin with a heart. Pero pag hindi kagandahan mahirap 'yan. Madugong broken heart 'yan . Kaya pag alam mong wala kang pag-asa sa bet na bet mong hombre o mujer eh galingan na lang mag-move on. Next…"

"Just be true to yourself… hindi masama magpakawala ng nararamdaman. Rejected doesn't mean end of the world…"

"Yung wala kang confidence na umamin, kasi takot ma-reject kakahiya 'di ba. Kasi sa una palang expectation muna na mareject ka kasi alam mong may iba siyang gusto, ouch butas puso mo niyan."

Samantala, masaya si Pia sa kaniyang relasyon sa boyfriend na si Jeremy Jauncey.