Maraming mga tagahanga ng tambalan nina Kyle Echarri at Francine Diaz o mas kilala bilang 'KyCine' ang abangers ngayon kung tuloy-tuloy pa rin ang love team o mabubuwag na ba ito nang tuluyan?

Kaya naman, marami umano ang dumidirekta sa pang-uurirat sa manager ni Francine na si John Ling, sa social media accounts nito. Kamakailan lamang ay tila nagkaroon ng gusot sa pagitan ng 'Gold Squad' dahil sa isyu ng selosan umano sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil kay Seth Fedelin. Umusbong tuloy ang hashtag na #FranSeth.

Kaya tanong ng mga tagahanga nila, may KyCine pa ba?

May cryptic tweet naman si John Ling bagama't wala siyang tinukoy kung ito na ba ang sagot niya sa mga tagahanga ng tambalan, o 'open for interpretation'.

Karina Bautista, PH navy reservist na

"Don't put your hopes up too high. Don't expect too much.. kasi it won't happen. As in wala na talaga.. that's all I want to say," aniya sa tweet noong Enero 25.

Screengrab mula sa Twitter/John Ling

Agad na sumagot naman dito ang mga netizen.

"Pwede namang sabihin kung para kanino 'yan ano po? Di yung magpapahula ka. Respeto na lang din sa mga fans na nag i-expect pa kasi hindi rin biro pinagdadaanan nila. May bago po pala kayong raket? May pa-blind item ka kasi Sir."

"As a manager of Francine, hindi ka dapat nagpapahula, remember maraming fans na KyCine na pwedeng naapektuhan and mag-isip nang kung ano-ano and that's gonna be emotional damage… stressed na sila sa life tapos pagdating sa Twitter, ito pa bubungad? Kung may alam kayo keep it."

"If this is about the KyCine love team, sana, the management will have the guts to properly announce kung wala na talaga."

"Yes as a fan wala tayo sa position para mangialam sa personal na buhay nila. But as an avid fan- a solid supporter of Team KyCine 'I think we deserve to know better'. Marami kami nag-aabang hindi para makiisa kay Marites but para malaman ang katotohanan."

Samantala, matatandaang sinabi na ni Kyle na hanggang trabaho lamang talaga ang namamagitan sa kanila ni Francine, noong siya ay nasa loob ng 'Bahay ni Kuya' bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Editon.

Ibinuking pa ng isa pang naging housemate, dating GirlTrend member, at ngayon ay Calendar Girl ng Ginebra na si Chie Filomeno, na bago pa man ang pagpasok sa BNK ay nagpapadala na ng private messages si Kyle sa kaniya. Kaya naman silang dalawa ang naging isa sa mga naging close dito.

Anyway, ang sumunod na tweet naman ni John Ling ay nang batiin niya ang alaga sa 18th birthday nito.

"You really know how to shine. May your 18th birthday be as flawless as you! Beautiful inside and out #goldengirl Ninong John loves you !! @francinecarreld see you soon!" aniya.

Screengrab mula sa Twitter/John Ling

Image
Francine Diaz (Larawan mula sa Twitter/John Ling)

Smanatala, how true naman ang mga lumabas na chika na tatlo raw ang magiging leading men ni Francine sa susunod na teleserye para sa kaniya?