Matapos ang balitang nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya, masayang nakapag-IG stories ang Kapamilya actor na si Enchong Dee ngayong araw, Pebrero 1.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-dee-nakapagpiyansa-at-nakalaya-matapos-kusang-sumuko-sa-nbi/

Batay sa kaniyang IG stories, ibinahagi ni Enchong ang video ng isang pet dog habang nakahiga ito sa sahig at may kamay na tila nilalaro-laro ito. May nakalagay na text caption na 'Phoebe Dee'. Hindi naman tukoy kung ang nagmamay-ari ng kamay ay si Enchong.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa IG/Enchong Dee

Sa isa pang IG story, makikita ang masayang si Enchong habang nakataas ang kanang kamay at kaliwang paa, nakanganga, at nakalitaw pa ang tiyan. Nagpaabot siya ng pagbati para sa Chinese New Year.

"Kita tayo mamayang 8pm sa fundraising ng @pbbabscbntv. Excited ako sobra sa masayang kuwentuhan mamaya," ayon sa kaniyang text caption. Promotion ito ng 'The Big Online 10Dahan' o ang 10 days of online selling concert na proyekto ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Screengrab mula sa IG/Enchong Dee

Silang dalawa ni Kim Chiu ang mga host nito. Guests naman ang mga dating PBB Celebrity housemates na sina Brenda Mage, Albie Casino, Benedix Ramos, Shanaia Gomez, at Vivoree Esclito.

Screengrab mula sa IG/Enchong Dee

Ayon sa ulat, ₱48,000 ang halaga ng kaniyang piyansa ni Enchong para sa kaniyang pansamantalang paglaya. Matatandaang noong Enero 28 ay pumutok ang balitang nag-isyu na ang mga awtoridad ng warrant of arrest para sa kaniya, subalit hindi umano siya natagpuan sa kaniyang address sa Cubao, Quezon City.

Saad pa ng mga kapitbahay ng aktor, matagal na raw na hindi nagagawi sa naturang 'boarding house' si Enchong.

Kinasuhan ng cyber libel case ni DUMPER party-list representative Claudine Bautista-Lim ang aktor dahil umano sa malisyoso nitong tweet laban sa kaniyang kasal.