Bukod sa pandemya, mukhang hindi maganda ang 2021 para sa napakaraming showbiz couples na nagkasaulian ng kandila at tuluyang naghiwalay ng kani-kanilang mga landas, at mukhang na-extend pa ito sa pagpasok ng 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/30/yearender-sino-sino-ang-mga-pinoy-celebrity-couples-na-naghiwalay-nitong-2021/">https://balita.net.ph/2021/12/30/yearender-sino-sino-ang-mga-pinoy-celebrity-couples-na-naghiwalay-nitong-2021/

Sa pagpapatuloy ng 'breakup saga', sino-sino nga ba ang mga celebrity couples na naghiwalay ngayong Enero? Isa-isahin natin sa pamamagitan ng 'balitanaw (balita + balik-tana

Kris Aquino at Mel Sarmiento.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Minsan pang pinatunayan ni Queen of All Media Kris Aquino ang pagiging 'newsmaker' dahi sa unang linggo pa lamang ng 2022 ay may pasabog na siya. Matatandaang noong Enero 2, 2022 ng gabi ay naunang lumabas sa Balita Online na napansin ng mga netizen na burado na ang mga litrato at video ni Mel Sarmiento sa kaniyang social media accounts. Umugong ang mga chika na baka nagkakalabuan na ang dalawa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/fiance-na-si-mel-wala-nang-bakas-sa-socmed-ni-kris-tanong-ng-mga-netizens-hiwalay-na-ba/

Ngunit Enero 3 ng gabi ay tuluyan na ngang binitiwan ni Kris ang kaniyang pasabog at binasag na ang kaniyang katahimikan. Inamin niyang wala na sila ni Mel at naging mutual ang kanilang pasyang maghiwalay na lamang upang hindi na umano makasagap pa ng COVID-19 si Kris, na noon ay nasa banig na ng karamdaman dahil sa kaniyang auto-immune.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/kris-kinumpirma-ang-hiwalayan-nila-ni-mel-you-will-never-read-nor-hear-anything-at-all-about-him-from-me/

Sa mga nagdaang araw ay unti-unting nagbigay ng ilang detalye si Kris sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ang pinakamatindi sa kaniyang pasabog, inakusahan niya ang dating fiance na 'mapag-imbento' umano ito ng kuwento, hindi siya minahal, at ginamit lamang siya. Pinabulaanan niya ang ulat ni Manay Lolit Solis na posible pang magkabalikan pa sila. Paano raw ba babalikan ang isang taong nalamatan na ang pagtitiwala rito?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-may-paratang-kay-mel-nag-imbento-hindi-siya-minahal-at-ginamit-lang-siya/

Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Iniintriga ng mga netizen na hiwalay na ang mag-jowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga bago pumasok ang 2022 dahil sa mga kakaiba nilang galawan sa social media accounts nila. Napansin ng mga netizen na kung dati ay panay post ang dalawa ng mga litrato nila nang magkasama at sweet na sweet sa isa't isa, bakit naman sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay wala silang picture together?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/barbie-may-ibinidang-bago-diego-nasaan-na/

Ang huling Instagram posts ng dalawa na magkasama sila sa isang frame ay noong Disyembre 12, kung saan sinorpresa ni Diego si Barbie para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-love birds. Kilig to the max ang mga tagahanga nila dahil makikita talagang todo-effort si Diego; magandang set-up sa harapan ng beach na kitang-kita ang paglubog ng araw ang peg ng kanilang selebrasyon.

Sa presscon ng pelikula ni Diego na 'The Wife', hindi rin naringgan si Diego tungkol kay Barbie. Ipinaliwanag lamang niya kung bakit hindi ito nakasama sa kaniyang trip sa US. Aniya, sa palagay niya ay walang visa si Barbie para makarating doon.

"I came here all of a sudden and it wasn't planned. I don't think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left. Even if she wanted to come here, she couldn't have come here. She needs a visa to come here, I think," pahayag ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/diego-loyzaga-may-pa-pwet-sa-pelikula-tikom-pa-rin-tungkol-sa-kanila-ni-barbie/

Noong Enero 26 naman, isa sa mga naging paksa ng 'Ogie Diaz Showbiz Update' ang umano'y bali-balitang hiwalay na nga raw ang mag-jowa. May mga netizen raw na kumukuwestyon sa naging pahayag ni Diego na hindi nito alam kung may visa ba si Barbie. Bakit daw ba 'I think' ang sinabi nito, hindi raw ba sila nag-uusap?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/26/barbie-at-diego-posibleng-hiwalay-na-raw/

"Mayroon lang pong nagpadating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon ay kung saan na napunta. Ang sabi lang sa akin ay waley ba daw? Ang nabalitaan natin ano, dahil nag-away daw itong si Barbie at si Diego tapos ang sabi ay mamili lang daw si Diego kung ‘Itutuloy pa ba natin ito o hiwalay na?’ Eh parang nanalo ata ‘yung hiwalay na," sey pa ni Ogie.

“Sana sila pa rin pero kung hindi na talaga nila ma-take ang isa’t isa… sana ang ending pa rin ay magkaibigan pa rin sila. After all, may pinagsamahan pa rin naman sila," dagdag pa ni Ogie.

Sa unang araw ng Pebrero ay mukhang tahimik pa rin sina Barbie at Diego at wala pang kumpirmasyon mula sa kanila kung totoo ba ang isyu.

Maxene Magalona at Robby Manaquil.

Hindi napigilan ni Kapamilya actress Maxene Magalona na supalpalin at payuhan ang mga 'Marites' na nagtatanong kung trulalu ba ang mga kumakalat na chismis na hiwalay na sila ng mister na si Rob Mananquil. Nag-ugat kasi ito sa kaniyang sunod-sunod na cryptic posts sa kaniyang solo trip sa Boracay, sa unang linggo ng Enero.

Pansin din umano ng mga netizen, parang madalang na lang siyang mag-post ng litrato nila ng asawa, kung saan ikinasal sila noong 2018 sa pamamagitan ng beach wedding sa Boracay. Kaya naman, hindi na nakapagtimpi pa si Maxene.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/maxene-magalona-binasag-ang-mga-marites-dont-come-to-my-page-for-gossip/

“I’ve been receiving A LOOOT of questions about my personal life so I would just like to share a few things which I believe we can all learn from,” ayon sa caption ni Maxene sa kaniyang Instagram account. Nagbigay siya ng 8 mensahe para sa mga Marites.

Reaksyon naman ng mga Marites, mabuti nga raw ay pinag-uusapan pa siya, dahil kung 'wapakels' na umano ang mga netizen sa kaniya, iisa lamang daw ang ibig sabihin niyon: hindi na siya sikat at wala nang interes sa kaniya ang mga tao. Hanggang ngayon, no sey pa rin si Maxene kung trulalu ba ang mga haka-haka ng mga Marites.

Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Bagama't hindi naman kumpirmado kung nauwi na ba sa totohanan ang kanilang patok na tambalan, nagulat na lamang ang mga tagahanga nina Andrea Brillantes at Francine Diaz nang mapabalitang inunfollow umano ni Andrea si Francine dahil sa pagseselos umano nito.

Namataan kasi sa bahay nina Francine noong Bagong Taon ang kaniyang katambal na si Seth, batay sa post ng ina ni Francine na si Merdick Diaz. Umingay pa ang chika na may namamagitan talaga kina Francine at Seth dahil sa mga lumabas na resibo sa TikTok at Twitter tungkol sa kanilang dalawa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/andrea-brillantes-at-francine-diaz-nag-unfollow-sa-isat-isa-dahil-kay-seth-fedelin/

Ayon sa kumakalat na chika mula sa mga Marites (na hindi pa kumpirmado kundi alingasngas lamang), ang totoong bet umano ni Seth ay si Francine, subalit wala umano siyang magawa dahil malakas at iniingatan nila ang tambalan nila ni Andrea. At si Andrea naman umano ay nahulog na raw kay Seth, kaya nagseselos umano siya sa pagiging malapit ng dalawa, kaya nabuo ang hashtag na #FranSeth. Ngunit wala pang nagkukumpirma ni isa sa kanila kung trulalu at walang halong eklavu ang chikang ito.

Samantala, pinag-usapan din ang kumakalat na TikTok video ni Andrea kung saan makikitang parang mugto ang mga mata niya, bagama't ang caption ay bagong gising siya, na lalong nagpalutang sa ingay na may pinagdaraanan sa usaping puso si Blythe.

Chika pa ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na 'Showbiz Update', may impormasyong nakarating sa kaniya mula sa mga mapagkakatiwalaang sources na nakasaksi sa panunugod daw ni Andrea kay Francine sa dressing room noong Disyembre 18, 2021, sa ABS-CBN Christmas Special na umere nang live, bagay na hindi naman nakumpirma.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

Nag-ugat daw ito sa pagpapapicture umano ni Seth kay Francine pagkatapos ng event, na hindi raw nagustuhan ni Andrea. Ayaw daw ni Andrea na ginagawa ito ni Seth dahil nga gino-groom ang SethDrea para maging isa sa mga tambalang aabangan sa Kapamilya Network. Iyon daw ang dahilan kung bakit nagpunta si Seth sa bahay nina Francine, upang ito na umano ang humingi ng dispensa sa ginawa ng katambal.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

Pambubuking pa ni Ogie, ayon daw sa kaniyang mga source ay nagkaroon ng relasyon sina Seth at Andrea sa loob ng dalawang taon, sa kasagsagan ng paggawa nila ng KG. Samantala, wala pang paliwanag sa panig na ito sina Andrea, Francine, o maging si Seth. Wala ring balita kung nagkaayos-ayos na ang tatlo.

Carlo Aquino at Trina Candaza.

Unang pumutok ang mga balitang baka hiwalay na ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa partner niyang modelo na si Trina Candaza nang mapansin ng mga 'Marites' na wala silang posts na magkasama sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Subalit noong Enero 13 ay pareho silang nag-post ng litrato para sa paid partnership/endorsement ng isang produktong diaper, kasama ang kanilang baby girl na si Mithi.

Noong Biyernes, Enero 28, 2022, may pasabog si Trina tungkol sa partner na may pinupuntahan umanong ibang babae. Aniya, hindi na raw magbabago ang isang lalaki na matagal nang sakit sa ulo, bagama't hindi naman niya binanggit kung ang tinutukoy ba niya ay si Carlo.

"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya."

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…"

“Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago," ayon sa FB post ni Trina na talaga namang nakapa-juicy at kinuyog ng mga Marites.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/carlo-at-trina-hiwalay-na-ba-xian-gaza-dinadawit-si-angelica-panganiban/

Nadawit pa sa isyu ng kanilang hiwalayan ang dating katambal at ex-jowa ni Carlo na si Kapamilya actress Angelica Panganiban, batay sa pasabog ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

Mas lalo pang umingay ang isyu nang lumipat ng bagong bahay si Trina kasama ang anak.

Hindi naman pinalampas ni Trina ang isang komento ng netizen sa gitna ng usap-usapan sa umano’y hiwalayan nila ni Carlo Paratang kasi ng Marites, ‘karma’ ang nangyari kay Trina matapos ‘pumatol’ kay Carlo kahit na umano’y karelasyon nito si Angelica.

"Karma is a bitch talaga. Ayos lang 'yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon, ng sila pa ni Angelica eh. Mas masakit talaga kapag binalikan ka ng karma doble yung sakit, Worst is, may anak pa kayo,” walang prenong komento ng isang netizen sa isang Facebook post ni Trina.

“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s ang labas ako pa ang nang-agaw,” palabang tugon ni Trina.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/trina-sa-paratang-ng-netizen-na-sinulot-niya-si-carlo-kay-angelica-hindi-sila-nagkabalikan/

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag dito si Carlo Aquino o si Angelica Panganiban.

Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ikinagulat ng mga netizen ang balitang hiwalay na umano sina Kapuso couple Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil noong Oktubre 2021 lamang sila ikinasal, matapos ang matagal na panahong pagiging mag-jowa. Kinakiligan pa ng mga netizen ang kanilang nakaaantig na wedding vows.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/27/nakaaantig-na-wedding-vows-nina-tom-at-carla-kinakiligan-ng-mga-netizens/

Napansin kasi ng mga netizen na nag-unfollow si Tom sa Instagram account ni Carla. Ganoon kasi umano ang kalakaran kapag may naghihiwalay na showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/

Sa isang entertainment portal, ilang showbiz insider ang nagsabing naging pagsubok umano sa dalawa ang kanilang madalas na hindi pagkakaintindihan ilang buwan lang matapos maging misis at mister.

Lumutang pa sa mga blind item ang tungkol dito, at nadawit pa ang isang beauty queen-turned-actress na umano ay naging malapit kay Tom dahil sa kanilang serye. Tinalakay pa ito ni Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'. Dito na lumutang ang pangalan ni Kelley Day.

Sa isang Instagram story, agad na umalma si Kelley at sinabi niya sa pamamagitan din ng blind item na wala siyang kinalaman sa rumored breakup ng isang showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/

Game na pinatulan na rin ng mommy ni Kelley na si Lenie Day ang mga 'Marites' na patuloy na umiintriga at bumabatikos sa kaniyang anak, kahit na nagpaliwanag pa ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/31/nanay-ni-kelley-day-rumesbak-sa-marites-grabe-ka-din-mag-judge-teacher-po-ba-kayo/

Nitong Enero 29 ay napabalita rin dito sa Balita Online na muli nang nagka-follow sa isa't isa sina Tom at Carla.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/tom-naka-follow-na-ulit-kay-carla-nag-away-ba-talaga-o-nagpa-miss-lang-sa-isat-isa/

"Anyway, nag-followan na ngayon sa kani-kanilang IG sina Carla at si Tom, baka ito na ang umpisa ng kanilang pag-uusap. Baka kasi nagpapahinga lang yung dalawa!" komento naman ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung talaga bang nagkalabuan lang sila o nagpa-miss lang sila sa isa't isa.

May mga lumabas din kasing chika na kaya rin daw inunfollow ni Tom si Carla ay para hindi niya ito ma-miss habang nasa lock-in taping. Kakakasal nga naman kasi nilang dalawa, at kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa sila, tapos malalayo sila sa isa't isa dahil abala sila sa kani-kanilang mga proyekto sa Kapuso Network.

Sa kabuuan, sa anim na celebrity couples na pinag-usapan at naintriga ang usaping pag-ibig, isa lamang ang kumpirmadong hiwalay na (at mukhang hindi na umano magkakabalikan), at ito ay sina Kris Aquino at Mel Sarmiento.

Wala pang kumpirmasyon mula sa bawat partido ang isyu kina Maxene Magalona-Rob Maniquil, Carlo Aquino-Trina Candaza, at Tom Rodriguez-Carla Abellana.

Habang ang isa naman (Andrea Brillantes-Seth Fedelin), hindi naman sigurado o kumpirmado kung talaga bang naging mag-jowa sila, kundi naisyu lamang ng kani-kanilang mga tagahanga bilang magkatambal.

Ano naman kaya ang mga showbiz ganap ngayong Pebrero? Abangan!