Aliw na aliw na 'ipinangalandakan' ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid na isa siyang 'proud Marites' na una niyang napag-alaman sa isang kumalat na meme sa social media.

Sa naturang meme na ibinahagi rin naman niya sa social media, pasok ang pangalan niya sa listahan daw ng New Top 39 Marites sa Pilipinas.

Pang number 29 ang pangalang 'Regine' at nangunguna naman ang pangalang 'Aida'.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Screengrab mula sa IG/Regine Velasquez

Noong Enero 27 naman, binati niya ng Happy 18th birthday ang Kapamilya teen star na si Francine Diaz. Makikita na tila nang-Mamarites ang Songbird sa usapan nina Francine at kapwa Kapamilya teen star na si Krystal Brimner. Mukhang sa ASAP studio para sa kanilang taping.

"Yung nasa top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common right? So malamang ako talaga 'yun. Hala!!!!" pabirong caption ni Regine sa kaniyang IG post.

"But actually I’m a little disappointed kasi no. 29 ako I was expecting at least top 10 'di ba, so ito na since I have a reputation now as one of the top Marites…….. oh ha!!!!! #MaritesInAction."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-534-600x430.png
Krystal Brimner, Francine Diaz, at Regine Velasquez-Alcasid (Screengrab mula sa IG)

Krystal Brimner, Francine Diaz, at Regine Velasquez-Alcasid (Screengrab mula sa IG)

Krystal Brimner, Francine Diaz, at Regine Velasquez-Alcasid (Screengrab mula sa IG)

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga kasamahan sa showbiz gaya ni Jolina Magdangal, Drala Sauler, at Paolo Ballesteros. Tila pinatotohanan ni Jolens na Marites talaga si Reg.

"Ate Reg!!!!!! Ganyan ka talaga! Hahahaha!!! Naalala ko noong nagchichikahan kami ni Kyla (Alvarez), kakalabitin mo pa kami tapos sabihin na 'Ano 'yun, ano 'yun?' Hahahahaha!!!" ayon kay Momshie Jolina.

Komento naman ni darla, "Bwahahahahahha!!!! Maritesan naaaaa!"

Laughing face at heart emoticons naman ang komento ni Dabarkads Paolo Ballesteros.

Ang taguring Marites (Mars, ano ang latest?) ay makabagong tawag sa mga chismosa, o mahilig sumagap o magbahagi ng kuwento, intriga, o 'chika' sa buhay ng isang tao, magmula sa kapitbahay, kakilala, hanggang sa mga sikat na celebrity.