Hindi na umano nakapagtimpi pa ang ina ni Kelley day na si Lenie Day at sinoplak ang mga 'Marites' na patuloy na dumadawit sa kaniyang anak, sa rumored breakup at pagkakalabuan umano ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ayon sa isang ulat, sinagot ni Mrs. Day ang mga Marites na nagpo-post ng kanilang malisyosong komento sa IG post ng kaniyang anak na naging bahagi ng 'The World Between Us' nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Isang netizen umano na tila isang guro, ang nagkomento na hindi raw magandang impluwensiya at ehemplo sa ibang tao si Kelley. Sayang daw at idolo pa naman daw niya at ng kaniyang mga mag-aaral ang beauty queen-turned-actress.

"Grabe ka din mag-judge. Teacher po ba kayo? Pakibasa po ang statement ni Kelley at wala pong katotohanan ang tsismis," saad umano ni Mrs. Day sa hindi na makitang IG post.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

"Nasa London po siya para sa funeral ng lola niya and to support her father at ang kapatid niya. Konting respect po sa kapwa natin. Salamat po," dagdag pa niya.

Muli raw sumagot ang naturang netizen at inakusahan ulit ang beauty queen sa ibang isyu naman: kesyo hindi raw mabuti ang pagtrato nito sa isang janitress dahil lamang hindi nalinis ang mesa nito sa isang dressing room.

Gigil na tumugon na rito si Kelley.

"Never ako sumigaw sa isang janitress — kahit saan, sa buong buhay ko.”

Muli raw niyang itinanggi ang pagkakaugnay kay Tom.

"I never had anything with Tom either. I hope that when the truth comes out, your students will learn not to trust everything they read online."

Matatandaang naglabas na rin ng kaniyang opisyal na pahayag si Kelly hinggil sa pagkakadawit sa isyu, na idinaan din niya sa blind item, at sa pamamagitan ng IG story.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/

Iginiit ni Kelley na hindi siya buntis, gaya ng mga kumakalat na chismis na nabuntis umano siya ni Tom, ilang buwan bago ang kasal nila ni Carla.

Nagpunta raw siya sa UK upang dumalo sa burol ng isang yumaong kaanak at samantalahin na rin ang pagkakataon upang makasama ang mga UK-based family members.

Sa latest Instagram post ni Kelly, mukhang nag-social media detox siya habang kasama ang pamilya sa UK. Ibinida rin niya ang bagong dagdag sa pamilya nila: at ito ay ang bago nilang pet dog.

"well… the social media detox was nice while it lasted."

"UK dump and we do have a new addition to the family! gender reveal… it's a boy," ayon sa kaniyang caption.

Screengrab mula sa IG/Kelley Day