Nawiwindang umano ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga bali-balitang nagkakalabuan na raw ang bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, na nag-uugat umano sa selos.

Aniya sa kaniyang Instagram post nitong Enero 27, huwag naman daw sanang masira ang kanilang relasyon batay sa pagseselos na wala naman daw umanong batayan. Pati raw pangalan ng baguhang artistang si Kelley Day na isang beauty queen, nakakaladkad pa tuloy.

Carla Abellana at Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Kaloka mga balita, Salve. Iyon kaya daw medyo shaky ang relasyon nila Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil sa isang Kelley Day na pinagseselosan ni Carla. Bongga! Dahil lang sa selos na wala naman yatang katotohanan, masisira iyong matagal nang love nila Tom at Carla."

"Bigla tuloy nakilala ang Kelley Day na talagang ang laging tanong, sino? Dahil nga walang makaalala dito, hah hah hah."

Pakiramdam ni Lolit ay walang dapat ika-insecure ni Carla sa relasyon nila ni Tom.

"Sa ganda ni Carla at sa ipinakitang pagmamahal sa kaniya ni Tom, dapat secure na secure na ang feeling niya. Dapat may tiwala siya na never siya ipagpapalit ni Tom kahit kaninong babae. Sabi nga nila, pinaka-iingatan sa lahat ng kahit sinong lalaki ang apelyido niya, pag ibinigay niya ito sa isang babae, ibig sabihin ikaw na ang ‘the one, the only one ‘ para sa naturang lalaki," aniya.

Kaya para kay Lolit, "Si Carla Abellana ang Mrs. Tom Rodriguez, ibig sabihin para kay Tom, si Carla lang at tanging siya. So huwag na selos, love love na lang."

Samantala, nagsalita na rin si Kelley Day at pinabulaanan ang mga chikang siya ang third party sa naturang isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/