Laughtrip ang mga tagahanga nina Alexa Ilacad at Albie Casiño dahil sa ginawa ng hunk actor sa versatile young actress na parehong naging housemates sa katatapos at trending na 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition'.

Matatandaang nagkainitan sina Alexa at Albie dahil sa peanut butter na gusto sanang bilhin ni Alexa habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya, bagay na tinutulan naman ni Albie dahil pansarili lamang daw ang iniisip nito. Maapektuhan kasi nito ang kanilang weekly budget.

Kaya naman sa Instagram story ni Albie, mukhang binilhan daw niya si Alexa ng peanut butter, simbolo na nagkaayos na ang dalawa at walang masamang palaman, este tinapay, sa pagitan nilang dalawa, lalo't maliit lamang ang mundo ng showbiz at malamang ay muli silang magkatrabaho.

"Oh ayan guys ah binilhan ko na siya ng peanut butter," text caption ni Albie sa litrato ni Alexa habang hawak-hawak ang isang maliit na container ng peanut butter,at mukhang nasa convenience store si Alexa. Hindi naman sigurado kung magkasama sila ng mga oras na iyon.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Albie Casiño, may nakakatuwang post tungkol sa
Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG/Albie Casiño)

Mukhang maganda ang magiging takbo ng career nina Alexa at Albie dahil maraming plano ang ABS-CBN para sa kanila; sa ngayon ay may kani-kaniya na silang katambal. Naging katambal ni Alexa si KD Estrada at ang tawag sa kanilang love team ay 'KDLex' habang si Albie naman, mukhang itatambal kay Shanaia Gomez na aminadong attracted siya.

Sa katunayan, lumabas sila sa isang friendly date upang ipatikim muli kay Shanaia ang sisig, na noong una raw ay hindi nito bet.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/11/albie-casino-at-shanaia-gomez-nag-sisig-date-as-a-friend/">https://balita.net.ph/2022/01/11/albie-casino-at-shanaia-gomez-nag-sisig-date-as-a-friend/

Sa pangalawang pagkakataon, mukhang nasarapan naman si Shanaia sa pa-sisig ni Albie.