Tila hindi kumbinsido ang "pambansang Marites na lalaki" na si Christian “Xian” Gaza sa trending na YengBang love story sa pagitan nina Ryan Bang at Kapamilya singer Yeng Constantino. Aniya, gimik lang daw ito upang mapataas ang viewership ng “nalalaos” na "It's Showtime."

“Mga Mars, feeling ko imbento lang 'tong YengBang love story na 'to pampataas ng viewership kagaya ng AlDub at ni Pastillas Girl,” ani Xian sa isang Facebook post nitong umaga ng Linggo, Enero 30.

Ito’y matapos maging trending sa social media ang pagbabahagi ng noo’y love story nina Ryan at Yeng na hindi lang pala nabigyan ng pagkakataon na malinaw ang parehong partido.

 “Hindi mo nga naging jowa e, basta nagparamdam na sa’yo ta's biglang nawala, eh naku sakit talaga,” singit ni Yeng sa isang komento sa isang “Tawag ng Tanghalan” contender na nagbukas sa usapan ng dati nilang romance ni Ryan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Basahin: Ryan Bang, ‘busted’ kay Yeng Constantino? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dahil sa nakakalungkot na endgame ng istorya ni Yeng at Ryan, magdamag na trending topic sa Twitter ang “It’s Showtime” episode.

Dagdag pa ni Xian, “Nalalaos na kasi yung It's Showtime at nabubura na sa mapa kaya kailangan nila ng bagong pakulo para magsibalikan yung mga brand sponsors.”

“Feeling ko lang. Maaaring mali ako. Atin-atin na lang muna sana at huwag niyo muna ipagsabi sa iba ha? Salamat,” dagdag niya.

Basahin: Yeng, nagsalita na kung sino ba talaga ang inspirasyon sa kantang ‘B.A.B.A.Y’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid