Kabilang na sina Alyssa Valdez at Jia Morado sa national women's volleyball training pool na maghahanda para sa darating 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.
Maliban kina Valdez at Morado, isinama rin sa pool sina Jasmine Nabor, Ces Molina at Kath Arado..
Kasama rin sa listahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sina Casiey Dongallo at Gelai Gajero na naglaro para sa California Academy of Antipolo noong nakalipas na PNVF Champions League.
Sina Valdez at Morado ang pumalit kina UAAP starsFaith Nisperos, Eya Laure, Mhicaela Belen, Ivy Lacsina, Kamille Cal, Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Imee Hernandez at Bernadette Pepito na hindi makakalaro dahil sa conflict sa schedule ng UAAP sa SEA Games.
Ang iba pa nilang kasama ay pawang dating miyembro ng national pool na sina Kalei Mau, Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat, Jema Galanza, Kat Tolentino, Kianna Dy, Iris Tolenada, Deanna Wong, Dell Palomata, Ria Meneses, Aby Marano at Dawn Macandili.
Nawala naman sa koponan pagkatapos maglaro sa nakaraang Asian Women's Club Championship sa Thailand sina middle blocker Majoy Baron, MJ Phillips, Tin Tiamzon at Angel Cayuna, gayundin ang beterana ng nakaraang tatlong SEAGames na si Rhea Dimaculangan.
Ang mga bagong miyembro ng pool ay pinili nina Brazilian Jorge Edson Souza de Brito, isang FIVB-appointed volleyball na naatasang pamahalaan ang women’s national team program at ni national head coach Odjie Mamon.
Marivic Awitan