Hindi pinalampas ni Trina Candaza ang isang komento ng netizen sa gitna ng usap-usapan sa umano’y hiwalayan nila ni Carlo Aquino. Paratang kasi ng Marites, ‘karma’ ang nangyari kay Trina matapos ‘pumatol’ kay Carlo kahit na umano’y karelasyon nito si Angelica Panganiban.

Sa gitna ng bulong-bulungan na quits na ang magkasintahang sina Trina at Carlo, hindi naman napigil na makisawsaw sa isyu ang mga certified Marites sa social media.

Matapos kasi ng isang cryptic post ni Trina noong Sabado, at ang panibago nitong vlog sa Youtube tampok ang kanilang “new home,” lalo lang naging tampulan ng usapin ang social media posts ni Trina.

“Karma is a bitch talaga. Ayo slang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh. Mas masakit talaga kapag binalikan ka ng karma doble yung sakit, Worst is, may anak pa kayo,” walang prenong komento ng isang netizen sa isang Facebook post ni Trina.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Facebook post ni Trina

Hindi na nagkibit-balikat si Trina at sumagot na ito sa nasabing netizen.

“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s ang labas ako pa ang nang-agaw,” palabang tugon ni Trina.

Sunod na ibinunyag nito na prinotektahan din niya si Carlo kaya’t hindi siya nagsalita noon.

“I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagawa,” ani Trina.

Screengrab mula sa Facebook post ni Trina

Samantala, inulan naman ng suporta ang Youtube channel ni Trina kung saan ilang masugid na followers ang tila nag-cheer up sa ina.

“Mahirap at masaya maging single mom. Kaya mo yan Ms.Trina. Laban lang. Stay safe and strong,” sabi ng isang netizen.

“I stan a strong woman like you! Don't skip ads for baby Mithi,” saad ng isa pang follower.

“You’re so strong and beautiful momma! You got this! So proud of mommies like you!!.”

“Praying that, yoy and Mithi will be fine. Just take it one day at a time... Breathe, pray and give it all to God in prayer. God bless you and Mithi.”

“Stay strong and Stay Safe Ms. Trina. ️ Always remember that we love you so much and Mithi as much as we love your vlogs. Your always love!”

“You're so pretty! Please continue sharing snippets of your life with us. Rooting for a strong woman like you! God bless you and Mithi!”

Nabiyayaan ng supling ang dalawa sa katauhan ni "Mithi" na madalas makita sa Instagram account ni Trina

Basahin: Carlo at Trina, hiwalay na ba? Xian Gaza, dinadawit si Angelica Panganiban – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid