Walang kiyemeng sinagot ng impersonator/TV personality na si Jervi Li o mas sumikat bilang 'KaladKaren Davila' ang tanong ng isang netizen sa kaniya kung may 'p*ke' na siya o sumailalim na siya sa procedure upang magkaroon ng ari ng babae.

'Brainy' niyang sinagot ang tanong ng netizen sa pamamagitan ng kaniyang TikTok.

KaladKaren (Screengrab mula sa TikTok)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Why are we so engrossed in asking people what's between their legs? Can we stop asking if they have a pnis or vagna or a jellyfish?"

"Because number one, it's impolite. And number two, girl, it's none of your business."

"Why don't we focus on their talents, on their abilities, on their achievements? NOT THEIR GENITALS?"

"And for me, it doesn't matter what's between your legs. What matters most is this (itinuro ang puso) and this (itinuro ang utak)," pagpapaliwanag ni KaladKaren.

Sa bandang dulo ay pabirong sinagot ng impersonator ang netizen.

"And to answer your question, may p*ke na ako… tatlo. Charot!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Loveeet! Far more portant is what lies between our ears. Sadly marami walang laman! Hehehe. Pero andami ha, tatlo! Pa raffle naman yung iba."

"Kung anoman meron siya, ano naman sa'yo? Haist minsan nawawalan yung iba ng galang sa pagtatanong ng sensitibong tanong. Di ba pedeng understood na 'yun? Buti pa sila KaladKaren, naiisip nila yung value ng pagiging totoong babae kaysa sa nagtanong. Respect whatever anyones between their legs. Ibalik kita sa grade 1 eh."

"Well said Ms. Kaladkaren! You always amazed me and always have my respect! Always be an inspiration to others and spread good vibes! God bless and be safe!"

Samantala, isang netizen din ang sinoplak ni KaladKaren na nagtanggol sa netizen na nagtanong sa kaniya kung may p*ke na siya.

"You missed the point, my dear. Ikaw nga, dami mong comment hindi ka naman tinatanong," pambabasag ni KaladKaren.

Si KaladKaren ay engaged na sa kaniyang longtime British boyfriend na si Luke Wrightson.

LoveWins: Kaladkaren announces engagement to British boyfriend – Manila  Bulletin
Luke Wrightson at KaladKaren (Larawan mula sa Manila Bulletin)