Nitong Enero 28 ay umalingawngaw ang balitang may warrant of arrest na raw na inilabas upang dakpin ang Kapamilya actor na si Enchong Dee kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa sa kaniya ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021.

Absuwelto sa kaso ang iba pang celebrities gaya nina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz, dahil ayon sa prosecutor's office, opinyon lamang ang ipinahayag ng tatlo sa kanilang Twitter account; kay Enchong naman ay direktang akusasyon na naging dahilan umano upang mabahiran ang pangalan ng representative at maapektuhan pati na ang pagbubuntis nito.

BASAHIN: ₱1B cyber libel case kay Enchong Dee, sumampa na sa korte?

BASAHIN: Rep. Claudine Bautista-Lim, itinuloy ang kaso vs Enchong Dee matapos muntik makunan

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pinayuhan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Kapamilya actor na sumuko na lang sa mga awtoridad kasunod ng umano’y ulat na may warrant of arrest na sa aktor subalit hindi raw ito nadatnan sa kaniyang ibinigay na address sa Quezon City. Napag-alaman din na hindi talaga rito umano nakatira ang aktor, at isa lamang itong boarding house.

“Ito ang pinakamagandang gagawin ni Enchong dito, ang voluntary surrender,” payo ni Cristy na madalas daw noong makatanggap ng warrant of arrest dahil sa mga kaso na isinasampa sa kaniya ng mga artistang nakakalaban niya dahil sa mga expose niya.

“Hindi po pwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng pulisya ay pinadadalhan (ng warrant of arrest)," dagdag pa.

Para rin kay Cristy, mukhang hindi naman nagtatago ang aktor at kasalukuyan lamang na 'humahanap ng tiyempo' at humihingi ng payo sa kaniyang legal team.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/28/cristy-fermin-sa-umanoy-warrant-of-arrest-vs-enchong-dee-magpiyansa-ka/">https://balita.net.ph/2022/01/28/cristy-fermin-sa-umanoy-warrant-of-arrest-vs-enchong-dee-magpiyansa-ka/

Kung sisipatin ang mga Instagram post ni Enchong, makikitang noong holiday season ay nagtungo siya sa Naga City upang magbakasyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/10/enchong-dee-balik-probinsya-its-so-surreal-dito-nagsimula-lahat-ng-pangarap/">https://balita.net.ph/2022/01/10/enchong-dee-balik-probinsya-its-so-surreal-dito-nagsimula-lahat-ng-pangarapa>/

Noong Enero 13 naman, pinasalamatan niya ang Gawad Tanglaw dahil sa parangal na 'Jury Award for Film Acting Excellence' para sa pelikulang 'Alter Me' katambal si Jasmine Curtis-Smith.

"Maraming Salamat Gawad Tanglaw sa pagkilala. Sharing this recognition sa lahat ng naging parte ng shooting namin ng Alter Me," caption ni Enchong.

Enero 21 naman, nag-post siya para sa endorsement ng isang airconditioning product.

"Proper ventilation is always a must when I workout lalo na mas-safe sa panahon ngayon na mag-exercise sa mga bahay natin," aniya.

Bandang Enero 23 naman ay mukhang nagpagupit pa siya. Marami sa mga celebrity friends ang pumuri sa kaniya, kagaya nina Melai Cantiveros at Andrea Brillantes.

Enero 25, mukhang nasa isang coffee shop siya. "I’m making coffee… who wants coffee?!" saad sa caption.

At ang huling IG post niya ay mukhang nasa beach siya, nakasuot ng shades, at topless. Sa isa pang litrato, ibinida niya ang isang sunblock primer na nakalapag sa isang palad.

"(Pangalan ng brand) sunblock primer works really well on me kahit buong araw na nakabilad."

"P.S. parang ang tagal ko nang di nabanggit yung salitang Bilad… nakabilad… ibibilad," aniya.

Bagama't naka-turn off ang comment section ng Instagram, sa Twitter naman siya tinatadtad ng mga netizen.

"Bhie saan ka na raw? Anong address 'yan? Para ma-update yung pulis hahaha."

"Bakait parang di ka na yata nag-iingay sa gobyerno? Tahimik mo yata ngayon?"

"Enchong, may naghahanap na sa iyo, saan ka na raw?"

Mula nang pumutok ang isyu hinggil sa cyber libel case ay wala nang narinig mula kay Enchong. Nawa ay maayos na ang gusot na ito.

BASAHIN: Enchong Dee, ‘namaalam’ sa kaniyang mga tagahanga; tahimik sa isyu ng cyber libel case