Sinagot na ni Rock Popstar Royalty Yeng Constantino ang tanong ng madlang pipol, kung sino ba talaga ang naging inspirasyon niya sa kantang 'B.A.B.A.Y' na sumikat noong 2013. 

https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-inspirasyon-nga-ba-ni-yeng-sa-kantang-chinito-b-a-b-a-y/">https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-inspirasyon-nga-ba-ni-yeng-sa-kantang-chinito-b-a-b-a-y/

Trending kasi si Yeng gayundin si 'It's Showtime' host Ryan Bang dahil sa naungkat na 'love story' sa pagitan nilang dalawa, way back 2010.

Ito pa lang si Ryan ay nagtangkang manligaw kay Yeng; kaya lang, akala ni Ryan ay walang interes sa kaniya si Yeng kaya bigla na lamang siyang tumigil sa pagpapadala ng kape sa singer.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ikinalungkot naman ito ni Yeng at inamin nitong kinikilig siya noon sa ginagawa ni Ryan.

Agad na naging trending sa online world ang ungkatan ng past sa pagitan nina Ryan Bang at Yeng Constantino, at marami tuloy ang nagtatanong kay Yeng, kung si Ryan ba ang inspirasyon niya sa awiting 'Chinito' at 'B.A.B.A.Y'.

Sa Saturday episode ng Showtime, muling inurirat ni Vice Ganda ang award-winning singer tungkol sa trending na tanong ng madlang pipol.

"Siya ba yung Chinito?" tanong ni Meme Vice.

"Iyan na nga po ang pagkaklaro. Actually po, ang 'Chinito' ang sumulat, lalaki. 'Chinita' 'yan dati… Pero may isang song na medyo pinaghugutan talaga ng pinagdaanan namin. Yung song ko na 'B.A.B.A.Y'," sagot ni Yeng.

Image
(Larawan mula sa FB/Ryan Bang)

Nag-request naman ng pa-sampol si Vice.

"Pwede mo naman akong i-text/Pwede ka rin namang tumawag/Pwede rin namang ipasabi kay Manong Bogart (Ogag sa orihinal)/Pero bigla kang nawala/Para kang naging bula (plook)/'Yun nawala/Bigla kang nawala/Sana nagpasabi ka man lang/Hindi gan'to wala akong alam/Ang dali kayang magsabi ng babay/Ang dali kayang magsabi ng babay/Ang dali kayang magsabi ng babay/B-A-B-A-Y," sampol ni Yeng.

Image
(Larawan mula sa FB/Ryan Bang)

Matapos ang pag-amin ni Yeng na si Ryan Bang nga ang nasa likod ng naturang awitin, lalo tuloy naging trending ang usaping ito sa social media, lalo na't usong-uso ang usaping 'ghosting' o tawag sa karelasyon o ka-MU na bigla na lamang nawala na parang multo o bula. Marami rin ang nag-search ng music video ng kanta upang muling mapanood at marinig ito.

Marami naman sa mga netizen ang nagbahagi ng kanilang natutuhan sa naunsyaming love story nina Ryan at Yeng, na matapos ang halos 12 taon ay nagkaroon ng closure.

"Ang cute naman nito. The untold story of B.A.B.A.Y.. Lesson learned: Kapag mahal mo, sabihin mo nang maliwanag. At huwag agad mag-speculate hangga' t wala siyang sinasabi. Be clear with your feelings para hindi ma-TOTGA. So alam n'yo na ha."

"Ryan Bang and Yeng’s story is a proof to always shoot your shot and be clear with your feelings. Yes, there’s always a possibility of rejection, yet we’re also gambling on the chance of a lifetime with that person. Love is always worth the risk."

"After 12 years, finally it’s a closure fore Ryan and Yeng. Their story reminds us to never assume and open communication is a must. The TOTGA. So, Yeng’s B.A.B.A.Y lyrics just make sense now."

"Ryan and Yeng story is literal na lost in translation, ito yung kadalasang sakit ng mga lalaki (torpe) kapag may nagugustuhan silang babae hindi nila kaagad ma-express yung intention nila kaya tuloy parehas silang umasa. Moral is dapat malinaw na yung intention sa una palang clarity is the key."

Samantala, ibinahagi naman ni Yeng na matapos ang kanilang show kanina ay nilibre siya ng kape ni Ryan.

Image
Ryan Bang at Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Yeng Constantino)

"'Ryan 'Ayan ah. Venti na hindi na yung grande.' Hahahahah!!!! Thanks Ryan! @ryanbang" caption ni Yeng, kalakip ang litrato nila ni Ryan habang hawak niya ang kape mula sa isang sikat na kapihan.