Pinag-uusapan ngayon ang panayam ni dating senador Antonio Trillanes IV sa ilang mga tagasuporta ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na umere sa kaniyang YouTube channel.

"Please watch this interesting exchange I had with some BBM supporters. Marami akong nadiscover," tweet ni Trillanes nitong Enero 28, 2022.

Screengrab mula sa YT/Sonny Trillanes

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Screengrab mula sa YT/Sonny Trillanes

Sinimulan ang vlog sa pagsasabi ni Trillanes na kaya niya inimbitahan ang tatlong tagasuporta ni BBM ay upang tanungin sila sa preference nila sa politika.

"Sino po ba ang napupusuan ninyong iboto sa pagka-presidente?" diretsahang tanong ni Trillanes sa tatlong BBM supporters na kaniyang inimbitahan.

Unang sumagot ang unang tagasuporta na si 'Levy'.

"Para sa akin po si Bongbong, pero sa ngayon sir ay wala pa akong idea kung ano ang plataporma."

Sunod naman niyang tinanong si 'Tina'.

"Ako po, ang gusto ko talaga si Bongbong kasi gusto ko rin malinis ang pangalan n'ya. Sa 30 years na… sa ngayon na mga presidente, wala yatang nagawa. Tinatapos lang lahat ng plano ni Marcos (Ferdinand Marcos, Sr.)."

Sumingit si Trillanes kung ito na ba ang pinal na desisyon ni Tina o kung may puwang pa ba.

"Opo, may puwang pa po. Ang gawain ng anak, hindi gawain ng tatay, 'di ba po?" tugon ni Tina.

Sumunod naman ang pangatlong tagasuporta ni BBM na si 'Dunkin'.

"Bongbong din po ako eh," simpleng sagot ni Dunkin.

Sunod na tanong ni Trillanes ay kung ano ba ang nalalaman nila sa work experience ni BBM. Saad ni Tina, sanay na sanay na raw si BBM sa pagtulong sa mga tao ayon umano sa nakita niya sa tatay niya. Kung may batik man daw sa pangalan ng mga Marcos, ito raw ay sa mga 'galamay' mito. Para kay Tina, mabait umano si Marcos Sr.

"Eh si Bongbong po?" tanong ni Trillanes.

"Mabait din po siya pero may something siya na… talagang batas ay batas."

Sumunod naman na nagbigay ng kaniyang saloobin si Dunkin. Aniya, nakadepende umano siya sa ama ni BBM. Nagbabakasakali umano siya na baka madagdagan ni Bongbong ang mga nagawa ng dating pangulo sa bansa.

Matapos niyon, tinanong din niya ang tatlo kung ayaw ba nila kay Vice President Leni Robredo o mas gusto lang talaga nila kay BBM?

"Para sa akin si Leni… hindi ko pa siya masyadong na-aano eh… kasi siguro malalaman ko lang kapag nagtapat-tapat na sila sa debate… doon natin malalaman kung sino ba talaga yung may nalalaman sa mga pamamalakad," wika ni Levy.

Si Tina naman, medyo 'nahihilawan' pa kay VP Leni. Lagi rin daw itong nagkukumpara.

"Ang isang lider, hindi laging nangungumpara. At hindi rin laging sinasambit yung pagkakamali lagi… napapanood ko sa internet, lagi niyang sinasabi magnanakaw, lagi niyang bukambibig. Doon ako naaano eh, kung sino ba talaga ang magnanakaw, para sa akin…"

Hindi rin umano naniniwala si Tina sa mga ulat na ninakaw ng pamilya Marcos ang kaban ng bayan noong panunungkulan ni Marcos Sr. sa Pilipinas.

Si Dunkin naman, hindi umano siya satisfied sa mga nagawa ni VP Leni bilang pangalawang pangulo, kahit daw ilatag sa kaniya ngayon ang mga nagawa nito habang isinasagawa ang panayam.

Sa puntong ito ay dinepensahan naman ni Trillanes si VP Leni at pinatotohanan niyang maraming nagawang proyekto ang Office of the Vice President sa panahon ng kaniyang termino.

"Marami po siyang nagawa. Talagang tumutulong siya sa mga kababayan natin. May kalamidad, naroon siya. Una siyang nagreresponde. Tapos may programa siya na tinatawag na 'Angat Buhay'. Nakakalap siya ng pondo mula sa mga private sectors. Nakakapagbigay siya ng iba't ibang pabahay sa mga mahihirap," saad ni Trillanes.

Tanong naman ni Tina, kung sakali daw ba na pipiliin nila si VP Leni, kaya ba nito ang 'kamay na bakal?'

Tugon naman ni Trillanes, may paninindigang babae bilang lider si VP Leni kaya tiyak na kakayanin nito ang pamamahala at hindi papaapekto sa mga 'galamay'.

Maayos din umano ang mga anak ni VP Leni. Isa raw itong indikasyon na kung kayang pamahalaan nang maayos ang pamilya, kaya rin umanong pamahalaan nang maayos ang bansa.

At doon natapos ang unang bahagi ng panayam. Naging maayos naman at hindi nagkabangayan. May pa-teaser naman si Trillanes na ang susunod na mga tanungan ay iikot naman tungkol sa kaniya.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen sa napanood na panayam.

"Sen. Trillanes showed respect towards his guests. And hearing what the guests said about BBM stirs the compassion in me to patiently and intelligently talk to my BBM-supporter friends and those within my community. Great job, sir."

"Hala nakakabitin naman ito! Ito po ang gusto naming makita. Ang opinyon ng mga ordinaryong tao na kagaya namin. Kailangan po natin silang pakinggan, saan ba sila naggagaling. Sana may testimonya din mula sa mga natulungan ni VP, mga nakinabang sa mga batas na ang author po ay si Sentri (Trillanes). Mabuhay kayo Kuya Levy, Ate Tina at Kuya Dunkin!"

"Parang nangangampanya naman si Trillanes dito para kay VP Leni? Saka parang bitin ang tanong… sana nakilatis pang maigi yung tatlo."

"I am also a BBM supporter, at naiinis ako sa mga toxic supporters both camps sa social media."

"More of this kind of content please!"

Screengrab mula sa YT/Sonny Trillanes

Samantala, abangan ang pangalawang bahagi ng naturang panayam sa mga susunod na araw.