Ipinagmamalaking ibinahagi ng social media personality na si Mika Salamanca na isa na siyang 'officially retokada' matapos niyang sumailalim sa pagpaparetoke ng ilong o may scientific term na 'rhinoplasty'.
Ibinahagi ni Mika sa kaniyang vlog ang procedure na kaniyang pinagdaanan upang mas mapalutang pa ang ganda ng kaniyang ilong. Ngunit tila marami sa mga netizen ang nanibago sa kaniyang hitsura at tutol sa ginawa niya. Maganda naman daw siya ngunit bakit kailangan pa niyang magparetoke ng ilong?
Nakatanggap ng pang-ookray si Mika na kamukha na raw niya ang mga karakter sa American epic science fiction filmna 'Avatar' noong 2009.
Sa isang Facebook post, agad siyang naglabas ng kaniyang hinanakit at saloobin tungkol dito.
"The way some people took screenshots of my IG stories yesterday and decided 'ah ganito na itsura niya kasi retokada'."
"If you did your research, you would know that a rhinoplasty will take months and months to heal. Posting my photo to compare it with my “itsura” before doesn’t make any sense. Just how low will you guys go?" aniya.
Hindi siya makapaniwala na mismong mga babae pang kagaya niya ang nanlalait sa kaniya.
"As you can see, most of the comments are from WOMEN dragging me and even giving low ball remarks. I mean, okay? Do YOU, I guess. But how did I offend you when I had my nose done? When I did something for myself?"
"Y’all are even gonna say that when I post this, I can’t take a joke and why did I get it done in the first place if I’m not ready to receive criticism. Well, see these comments for yourself. Five words: put yourself in my position. Then we’ll talk."
"Anyway, it’s been 6 days since my operation and I can definitely assure your bothered asses that it’s gonna turn out so well. So save your sorrys cos I won’t need it."
"PS: 2022 na, ayos naman tayo diyan," dagdag pa niya sa mga basher at hater niya.
May pahabol pa siya sa mga nalalait sa kaniya:
"Before and after rhinoplasty, mas maganda pa rin ako sa mga nanlait sa akin. BTW!! ITO DIN ITSURA KO NUNG BINUBULLY N'YO AKO NA RETOKADA NA!!! GANON AKO KAGANDA PARA SA INYO. Pwe!" aniya.