Unang pumutok ang mga balitang baka hiwalay na ang mag-jowang sina Carlo Aquino at Trina Candaza nang mapansin ng mga 'Marites' na wala silang posts na magkasama sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Subalit noong Enero 13 ay pareho silang nag-post ng litrato para sa paid partnership/endorsement ng isang produktong diaper, kasama ang kanilang baby girl na si Mithi.

Lalo pa itong umigting noong Enero 16 kung saan may cryptic post umano sa kaniyang Instagram account si Trina.

"You’ll grow beautifully in your own way," kalakip ang litrato ni Baby Mithi. May mga mapanuring Marites na nagtanong kung bakit hindi naka-tag si Carlo, at kung bakit naka-unfollow umano si Trina sa IG account ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong Enero 19 naman, nag-post ulit siya sa IG na may litrato naman niya.

"Little by little, day by day, what is meant for you will find its way," aniya. Bagama't wala namang cryptic sa sinabi niya, may mga netizen pa rin ang hindi matapos-tapos ang pang-uuntag sa kaniya kung kumusta na ba sila ni Carlo.

"Hello mam! Mam sana ok lang kayo ni Sir Carlo, a big fan po."

"Kamusta na kayo ni Jose Liwanag (Carlo Aquino)? Follower n'yo ako."

"Stay strong, trials come and go. Have faith."

At nitong Biyernes, Enero 28, 2022, may pasabog si Trina tungkol sa partner na may pinupuntahan umanong ibang babae. Aniya, hindi na raw magbabago ang isang lalaki na matagal nang sakit sa ulo, bagama't hindi naman niya binanggit kung ang tinutukoy ba niya ay si Carlo.

"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya."

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…"

“Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago."

Screengrab mula sa IG/Trina Candaza

Si Carlo naman, nag-post sa IG ng litrato niyang naka-black and white habang may hawak na kape. May caption itong 'Silence and coffee, Silence and coffee.'

Inurirat din siya ng mga netizen tungkol dito.

"Di porke may anak na, magtitino na. Ang babaero noon ay mananatiling babaero ngayon."

"Sayang naman kung wala na sila. Maganda pa naman ang asawa niya."

"Magbago ka na, Carlo. 'Wag mo hayaang masira ang pamilyang binuo mo. Alam kong napakadaming magandang babae sa mundo pero may MAS GAGANDA PA BA SA MAG-INA MO? Think and reflect. God bless you!"

"Sayang kagwapuhan mo kung mambabae ka man."

"Carlo balik ka na kay Trina. Mas gwapo ka tingnan if buo family mo."

"Totoo kaya ang post ng asawa niya?! Naku po kapag panay ka nang panay na ganyan baka sakit na 'yan… (napanood ko lang sa isang movie)."

"Ito talaga yung sumikat lang ulit. Parang gwapong-gwapo na agad sa sarili. Nambabae ka na naman ulit. Di ka pa nakontento."

Samantala, may panibagong cryptic post si Trina sa kaniyang IG story na mula sa TikTok, tungkol sa pagiging 'toxic'.

"She's toxic right? But was she toxic before you lied to her about another female? Was she toxic before you took advantage of the trust she had for you? Was she toxic before she kept forgiving you for hurting her over and over again? She wasn't toxic."

"You drained everything out of that woman. You hurt that woman. You lied to her and continue to hurt her and made her question her worth. Then you expect her to be the same person she was in the beginning?"

"Now she's crazy for being this way."

Screengrab mula sa IG/Trina Candaza

Screengrab mula sa IG/Trina Candaza

Samantala, sa Facebook account naman ng 'Pambansang lalaking Marites' na si Xian Gaza ay inintriga niya ang dating ex-jowa at katambal ni Carlo na si Angelica Panganiban, na may non-showbiz boyfriend na rin.

Ipinakita niya ang screenshot ng kaniyang direct message kay Angge kung saan tinatanong niya ito kung siya ba ang pinuntahan ni Carlo nang maghiwalay umano sila ni Trina, na siya umanong pinariringgan ng model sa kaniyang cryptic post.

"Wala nang intro-intro pa. Idol Angelica. Ikaw po ba yung pinuntahan ni Carlo Aquino after nilang mag-break ni Trina?"

"A. Yes"

"B. No"

"C. I invoke my right against self-incrimination"

No description available.
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kina Carlo at Trina kung trulalu ba ang kumakalat na on the rocks o hiwalay na silang dalawa. Wala pa ring sagot si Angge sa iniisyu sa kaniya ni Xian.