'Wala na, finish na ang pila!'

Pinag-uusapan ngayon ang ibinahaging litrato ng isang fan-base Facebook page ng sikat na Kapamilya actor na si Joshua Garcia kung saan makikitang may katabi siyang isang babae habang nakaupo, ngunit hindi ma-sight sung nang mabuti ang fez dahil natatakpan ng sinag ng araw, at nakabaling sa ibang direksyon ang mukha.

Wala naman sanang malisya rito, subalit nawindang ang mga netizen lalo na ang mga tagahanga ni 'Juswa' dahil nakalagay sa caption na 'Ikaw ang aking liwanag' na may heart emoji pa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Screengrab mula sa FB/Joshua Garcia fan page

Screengrab mula sa FB/Joshua Garcia fan page

Tanong ng mga netizen, may nagmamay-ari na ba sa puso ngayon ng sikat na aktor na kinakikiligan sa kaniyang mga TikTok videos?

"Gawin mo din akong liwanag mo Juswaaaaa!!! Wala na finish na!"

"Swerte naman! Who's the lucky girl?"

"Halaaaaa sino 'yan?"

Naglapagan naman ng mga 'resibo' o screenshots ang iba pang mga netizen na magpapatunay na ang babaeng kasama ni Joshua ay ang Kapamilya actress na si Ria Atayde, anak ni Sylvia Sanchez at kapatid ni Arjo Atayde.

May be an image of 4 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Chan Neeza)

Magkakasama sa isang 'triple date' ang magkakaibigang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Alora Sasam sa isang beach. Kasama rin ang pet dog ni Kathryn na si Snowy. Ibinahagi pa ni Kathryn sa kaniyang Instagram post ang pakuwela nilang mga litrato na may ka-holding hands sila. Wala namang 'face reveal' kung sino nga ba ang kahawakan ng kamay ni Joshua sa kanila.

"Why double-date when you can triple-date?! Also, my vote for the 'Cutest Brunch Date' award goes to the girl in pink sweater. Hihihi," saad sa caption ni Kathryn.

Joshua Garcia (Screengrab mula sa IG/Kathryn Bernardo)

No description available.
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Alora Sasam, Joshua Garcia, at Ria Atayde (Larawan mula sa IG/Kathryn Bernardo)

Batay sa mga ibinabahagi nilang litrato, mukhang kasama rin nila ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo, gayundin ang komedyanteng si Yubs Azarcon.

Kinakiligan din ng mga netizen ang ibinahaging litrato ni Joshua kung saan kasama niya sa jetski boat si Ria.

Ria Atayde at Joshua Garcia (Screengrab mula sa IG/Joshua Garcia)

Marami sa mga netizen ang nagpatunay at nagsabi na huwag haluan ng malisya ang pagkakaibigan nina Joshua at Ria. Hindi porke't magkasama sa iisang litrato ay may 'something' na raw. Sa katunayan daw, lumalabas na si Ria ang 'ate-ate' daw nila sa grupo nila ng mga magkakaibigan. Ang tawag sa kanilang grupo ay 'Nguya Squad' kung saan isa umano sa mga orihinal na miyembro si Ria.

Hindi ito ang unang beses na naintriga ang pagkakaibigan nina Joshua at Ria. Noong 2021 pa umusbong ang chikang ito dahil nakikita nga sina Joshua at Ria na magkasama kapag labas ang grupo.

"We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends," paglilinaw ni Ria sa naging panayam ng 'Pop Cinema' ng Cinema One sa kaniya noong 2021.

Bukod sa pagkakaibigan ay mukhang business partners din sila kasama pa ang Kapamilya actor na si Enchong Dee, batay sa kaniyang Facebook post. Sila ay naka-invest sa sustainable eco-farming na 'Palaya Shrimp Farm'.

May be an image of 5 people, people standing and outdoors
Joshua Garcia, Ria Atayde, at Enchong Dee (Larawan mula sa FB/Palaya Shrimp Farm)

Samantala, magkasama sina Joshua at Ria sa teleseryeng 'Viral Scandal' sa Kapamilya Channel. Sa ngayon, si Charlie Dizon ang kaniyang katambal dito. Kapag umere na ang 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series', ang kaniyang katambal naman ay si Jane De Leon.

Wala ring nauugnay na karelasyon nila ngayon, bagama't si Joshua ay nili-link sa sikat na vlogger-actress na si Ivana Alawi. Umamin kasi si Ivana na celebrity crush niya si Joshua.

Biro ng mga netizen, 'Tuloy ang pila kay Juswaaa!'