'Dismayado' ang aktres na si Rita Avila sa naging kilos ni Boy Abunda nang sumalang si Bise Presidente sa 2022 Presidential One-On-One Interviews.

Sa kanyang Instagram post, naglabas ito ng screenshot ng pahayag ng ilang netizen na dismayado kay Abunda dahil "bastos" umano ito at "ayaw patapusin" si Robredo tuwing sumasagot sa mga tanong.

Larawan: Screenshot mula sa Ig post ni Rita Avila

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ng aktres, mataas ang tingin nito kay Abunda kung kaya pinagtatanggol niya ito ngunit sa naging sistema ng interview ay tila "ayaw nito pasagutin" ang bise presidente.

"WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound.

Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo," caption ni Avila sa kanyang post.

Kilala si Avila sa ulgarang nagpapakita nito ng suporta kay Robredo.

Bukod kay Avila, may ilang netizens rin ang naghimutok sa "pag-iinterupt" nito kay Robredo.

Trending si Abunda sa Twitter na umabot sa 40.K tweet volume as of writing.