To the rescue ang mga tagahanga ni Unkabogable Star Vice Ganda sa mga patutsada ng showbiz columnist na si Lolit Solis laban sa comedian-TV host ng 'It's Showtime.

Matatandaang may Instagram post si Manay Lolit na pasaring kay Vice Ganda dahil sa pagiging 'patola' at 'ampalaya' nito sa kaniya. Nag-ugat kasi ang isyu tungkol sa sinabi ng showbiz columnist na may nakarating umano sa kaniyang balita na nagpa-power tripping ang host sa noontime show nito.

"Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin, Salve. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah. Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik. Sabi ni Jugs hindi totoo, eh di hindi totoo iyon balitang power tripping, so ano problema?" bahagi ng caption ni Lolit.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Vice Ganda (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

Pumalag naman dito ang mga tagahanga ni Vice gayundin ang mga madlang pipol na nanonood ng Showtime. Anila, wala naman daw binanggit na pangalan niya sa noontime show. Ang pinariringgan lamang daw ni Vice ay mga 'Marites'.

"Nanonood ako ng Showtime everyday parang wala namang nababanggit na name n'yo… Marites lang ang sinasabi… baka nga ikaw 'yun kasi Marites ka nga."

"Ang tanda-tanda mo na chismosa ka pa rin. Kaya walang asenso sa Pilipinas dahil sa mga taong tulad mo. Mabuti ka lang kung taong nagbibigay sa'yo. Ang pangit ng ugali mo.#marites."

"Natamaan naman po kayo sa sinabi ni Meme eh wala naman pong sinabing name n'yo roon, natamaan po ba kayo manay sa sinabi ni Meme na nakakapangit ang pagiging Marites?"

"Constructive criticism is good and healthy to help a person improve his/her well being. Pero kapag unfounded ang criticism, it becomes destructive. It can ruin a person’s career and can discourage future endorsements. Lolit and Cristy should get their facts straight and practice responsible journalism. Yung style kasi nila pang-dekada ‘80 pa. They need to adapt to the new rigors of time. Nakakahiya ang style nilang bulok. Marunong pumuna pero kapag sila ang binatikos for incorrect reporting, mag babalat-sibuyas! Very Marites!"

"Hindi ka binanggit ni Vice kahapon. Mali-mali mga sources mo."

"Nay hindi naman si Vice ang nagbanggit sa'yo si Ogie po. Yesterday's episode."

"Araw-araw ako nanonood ng Showtime ni minsan walang binanggit si Vice or na-mention ka niya. At ayaw mo niyan, ikaw ang pinag-uusapan, sa lagay ehh ikaw lang ang may kayang pag-usapan siya. Ang dami-dami Marites sa mundo at ang pag-opinyon ni Vice about nakakapangit ang pagiging Marites eh sa pangkalahatan 'yun at isa ka na roon pero walang binanggit na pangalan mo si Vice… Huwag ka rin patola ay… Back to you."

Samantala, wala pang pahayag si Vice Ganda tungkol dito o maging si Manay Lolit.