Nakilala na ng mga awtoridad ang isang batang lalaking binawian ng buhay matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Bagumbayan, Taguig nitong Enero 26.

Sa ulat ng Taguig City Police, halos hindi na makilala ang bangkay ni Prince Emir Vetonio, 4, dahil sa matinding pagkasunog nito.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay ni Anabel Vetonio sa No.210 Paso St., Gutierrez compound, Bagumbayan, dakong 1:28 ng hapon.

Aabot sa 15 na bahay ang naabo. Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng insidente.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Jonathan Hicap